Messenger
Ocean Dela Cueva
10:02 PMOcean: Sure kang okay ka na?
Seen, 10:07 PM
10:10 PM
Yes! Hay naku, paulit-ulit?
Nasa bootcamp ka na ulit?
Ocean: Kararating ko lang dito.
Thank you ulit, Dela Cueva.
Mabait ka today kaya di kita aawayin.
Ocean: Hindi mo ako mauuto sa mga paganyan mo, Rochelle.
Ay, galit talaga? Hahaha!
Ocean: Ang obob naman kasi ng mga followers ng Villar na yan.
Ocean: Bakit ikaw ang tinatanong nila? Tsk! Bakit ikaw yung kailangang i-corner para ma-satisfied ang uhaw nila sa pagkatsismosa nila?
O, easy ka lang. High blood ka na naman. 🤣
Okay nga lang ako. Nagulat lang talaga ako kasi bigla na lang dumami ang mga tao sa harap ko at tinanong na ako ng kung ano-ano.
Hindi mo rin naman kasi talaga masisisi ang mga tao since curious talaga sila, lalo na at nasanay talaga sila na kami ang magkasama sa mga vlogs.
Ocean: But that doesn't mean na kailangan ka nilang gitgitin at pilitin na magsalita at sagutin ang mga tanong nila.
Ocean: I saw you, Rochelle. And you're not okay. Kaya tumigil ka sa pagpapanggap na okay ka.
Ocean: Makakasapak talaga ako ng tao kung hindi ka talaga nila tinigilan kanina.
Ikaw naman ang magte-trending.
Sikat na ML pro player, nanuntok. Gusto mo yun?
Ocean: Wala akong pakialam. Basta wag ka lang masaktan.
Teka, pansin ko, bumabait ka na sa akin lately. Hmm...
Ocean: Tanga ka pa kasi, kaya kailangang maging mabait sayo. Kapag nawala na yang katangahan mo, babalik na ang devil Ocean.
Gago ka, ah. Makatanga, wagas?
Ocean: Anong mas gusto mo? Tanga o bobo? Mamili ka na lang dyan.
Bwisit ka talaga!
Ocean: Ganyan ba talaga ang reaction ng tao tuwing lalabas ka?
Hindi naman.
Nagkataon lang siguro na yung mga taong nandoon kanina ay viewers ng vlogs namin.
Ocean: Huwag ka na munang maglalabas hangga't hindi pa namamatay ang issue. Palipasin mo muna, okay?
Ocean: Baka maulit na naman ang nangyari kanina eh. Tsk!
Sino kayang nagyayayang maglaro ng bowling?
Ocean: Wag ka munang maglalabas kung hindi mo ako kasama.
Ha?
Ocean: Kung hindi mo kami kasama nina Edon, okay? Tsk!
Okay?
Ang gulo mo talaga ngayon, Dela Cueva.
Ocean: Obob ka lang talaga kaya di ka makasabay sa matalino kong pag iisip.
Kapal ng mukha mo talaga kahit kailan.
Ocean: Matulog ka na! Wag kang magpuyat.
Ocean: Baka bigla kang pumayat kapag nagpuyat ka pa, mabawasan pa ang mga taba mo sa katawan.
Hindi ako mataba!
Ocean: Wag kang indenial, okay?
Ocean: Goodnight, Rochelle.
Bangungutin ka sana.
Ocean: Kung lalabas ka sa panaginip ko, baka nga bangungutin ako.
Argh!
Bwisit kang gago ka!
Ocean: Hahahaha!
Ocean: Tulog na, Rome. Ipahinga mo na muna ang katawan at isip mo, okay?
Ocean: Wag ka ng magreply. Tulog na.
Seen, 10:43 PM
![](https://img.wattpad.com/cover/302158256-288-k895573.jpg)