27

312 16 16
                                    

Messenger

Ocean Dela Cueva
1:43 PM

Ocean: Rochelle, mamaya na yung laro namin. Manood ka, ah.

Seen, 1:48 PM

1:50 PM

Isa pang Rochelle mo, hindi talaga ako pupunta sa laro n'yo.

Ocean: Ikaw naman, Bebang, hindi na mabiro.

Pota naman talaga, Dela Cueva!

Ocean: Hahaha!

Ocean: Seriously, Rome, sumama ka kina Daye, ah. Nood ka ng laro namin.

Seryosong tanong din, Ocean.

Bakit ba kinukulit mo ako ng manood ng laro n'yo? Hindi ka naman dating ganyan.

Kahit nga buong season kaming hindi manood ng laro n'yo, okay lang sayo.

Ocean: Akala mo lang yun.
[unsent message]

Nakita ko yun!

May pag-unsent ka pang nalalaman dyan. Haha! Arte-arte ng dagat na yan.

Manonood na nga, nangongonsiyensiya ka pa dyan, eh.

Ocean: Hindi, ah. Kung ayaw mo este nyo naman talagang manood, wala naman akong magagawa.

Ocean: Baka mamaya, manonood lang kayo kasi napilitan lang.

Luh? Hindi, ah. Grabe ka sa amin, Dagat.

Nagtataka lang ako. Sobrang persistent mo ngayon.

May iba pa bang dahilan kung bakit ka nangungulit na manood ako ng game mo?

Manlilibre ka ba after the game? Haha!

Ocean: Yung totoo? Concern ako sayo, Rome.

Ocean: Ayaw ko kasing makita na nagkukulong ka lang dyan sa bahay mo. Pagkatapos nung paglabas natin, iyong dinumog ka ng fans nung gagung yun, ng mga taong uhaw sa tsismis, parang takot na takot ka ng magpakita sa mga tao.

Ocean: Alam ko rin na nakakabasa ka pa ng mga hate comments kapag nakikipag-interact ka sa amin online at nakakadagdag yun sa stress mo.

Ocean: I get that you're avoiding na maulit ang nangyari na nilapitan ka ng mga tao, halos pagkaguluhan na para lang makatsismis sila. Naiintindihan ko na umiiwas ka sa isyu, kasi hanggang ngayon, nasasaktan ka pa rin.

Hindi na, ah. Okay na ako.

Ocean: Hindi mo ako, kaming mga kaibigan mo, maloloko. Natural lang naman na makaramdam ka ng sakit. Mahal mo, eh.

Correction, minahal. Past tense na.

Ocean: Pota naman! Ang daming side comments!

Hahahaha! Continue.

Ocean: Ayun na nga, pag nagtago ka lalo sa kanila, lalo ka nilang aapihin. Held your head high, Rome. Ipakita mo na you're stronger than what they think. Na okay ka. Hindi masamang magkunwari minsan, basta para sa ikabubuti mo at wala kang nasasaktang tao.

Ocean: Last, ipakita mo sa gunggong na yun kung ano yung sinayang niya. Tangina niya talaga.

Grabe, Dagat...

Bakit ba nagpapaiyak ka na naman?

Ocean: Pota, Rochelle, wag kang umiyak! Di kita mapupuntahan. Papunta na kami sa venue ng game.

Gagi! Hindi mo naman ako kailangang puntahan. Ako ang pupunta sa game mo mamaya.

Good luck, Ocean! Ingat kayo.

Magiging mabait muna ako sayo kasi may game kayo mamaya. Saka, manlilibre ka ng dinner after ng game n'yo.

Ocean: Tangina! Kaya gusto ko na lang na masama ang ugali ko, eh. Naaabuso ang kabaitan ko.

Hahahaha!

Godlike Series 1: Just One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon