Messenger
Rory Mendoza
9:26 AMMi!
Seen, 9:31 AM
9:33 AM
Rory: Ano yun, Rochelle?
Rory: Kelan ka uuwi dito sa bahay?
Rory: Nasaan na ang pasalubong ko galing Elyu, ha?
Uuwi po ako dyan one of these days.
Mi...
Rory: Ano ba yun, Rochelle? Mi ka nang Mi dyan. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na.
Mi, si Ocean kasi...
Rory: Anong meron kay Ocean?
Umamin sa akin.
Mahal niya raw ako?
Rory: Ah, oo.
Rory: Alam ko, matagal na.
Mommy?
Alam mo?
Kailan pa? Paano?
Rory: Ocean told us. Nagsabi siya sa amin ng daddy mo. Matagal na. Hindi ko na matandaan sa sobrang tagal.
Bakit sa inyo nagsabi?
Bakit hindi sinabi sa akin?
Rory: Paano sasabihin sayo, eh, lagi mong inaaway?
Rory: Saka, hindi lang halata pero torpe pala ang lalaking yun? Tsk!
Tanga siya, hindi torpe. Kainis!
Rory: O, eh bakit ka ba naiinis?
Bakit kasi hindi niya sinabi agad? Tanga-tanga talaga, eh!
Rory: Watch your mouth, Rochelle.
Rory: Kung sinabi ba agad ni Ocean ang nararamdaman niya sayo, anong gagawin mo?
Bakit hindi nyo po sinabi sa akin, Mi?
Rory: Alangan namang pangunahan ko si Ocean? Saka, that's our little secret, bakit ko sasabihin sayo?
Rory: Teka nga, bakit ba ganyan ang reaction mo, ha?
Seen, 9:44 AM
9:46 AM
Rory: Mahal mo rin ba si Ocean?
Mi...
Rory: Don't lie to yourself, Rochelle. Hindi maganda sa pakiramdam yan. Ikaw ang talo kapag nagsinungaling ka sa sarili mo.
Rory: Umuwi ka dito at pag-usapan natin yan, okay?
Alright, Mi.
Uuwi ako dyan mamaya. Dyan po ako magdi-dinner.
Rory: Okay. Wag mong kalimutan yung pasalubong ko galing Elyu. Si Ocean, nakapagbigay na sa akin.
Wow naman.
Siya ang tunay na anak?
Rory: Ayan, ang taray mo kasi. Tapos nag-e-expect ka na aamin si Ocean sayo dati? Tsk!
Kung talagang mahal niya ako, hindi siya matatakot mag-take ng risk.
Rory: Bakit ikaw, hindi ka ba natakot mag-take ng risk?
Seen, 9:50 AM
9:52 AM
Rory: See?
Rory: Umuwi ka dito at pag-usapan natin yan.
Yes, Mi.
Seen, 9:56 AM
![](https://img.wattpad.com/cover/302158256-288-k895573.jpg)