Chapter 4

523 23 0
                                    

"Uy, 'wag niyo na linisan 'yan. Sina manang na ang bahala riyan," ani Aries nang makita kaming tatlo na niligpit ang hapag-kainan.

"What? Kami 'yung kumain, Ries. Nakakahiya naman na sila pa 'yung lilinis," sabi ko.

"Gaga! Bisita ko kayo, 'no! Hayaan niyo na 'yan d'yan," sabi niya. Tinawag niya ang isang katulog, "Manang, p'wedeng pakilinis na po ng table—"

"It's okay, Aries. We can clean this naman," ani Xandrey na dalawang upuan ang agwat sa'kin.

Napabuntong-hininga si Aries, "Fine. Makukulit kayo." Umirap sya pero natatawa.

"Yanna, taas tayo! Sina Xandrey na ang bahala riyan," aya niya kay Yanna. Sumunod naman ang pinsan nitong si Xandrey.

Naiwan kaming dalawa ni Xandrey dito. Sabay pa kaming tumayo kaya nagkatinginan kami. Hindi ko kayang magtagal sa mga tingin na pinupukol niya sakin kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.

"Where's their kitchen? Ilalagay ko 'tong mga plato sa sink," kalaunan ay tanong niya sakin. Hawak hawak niya ang mga pinggan'g niligpit.

"Sunod ka na lang sakin," sagot ko.

Sumunod naman siya sakin. Halos di ko na alam kung paano lumakad ng maayos dahil nasa likuran ko sya at nakasunod sakin. I feel concious. What if there's dirt at my back?

Alam ko na ang pasikot-sikot dito sa bahay nina Aries dahil gaya ng sinabi ko, nakapunta na ako dito. Tatlo lang ang maid nila dito, well, except sa driver ng parents niya. So, tatlong maid, isang family driver. Gaya ko ay bike lang rin kung pumasok si Aries, at pareho kami ng dahilan kung bakit ayaw naming magpahatid sa kung sino man.

Nilagay na namin sa sink ang mga plato. Sabay pa kaming napalagaw dun kaya naglapat ang mga balat namin. Mabilis kong hinawi ang kamay ko na para bang nasusunog yun.

"What?" Tanong niya.

"W-wala. Sabi ko, ang gwapo mo," kuminang ang mata ko habang pinagmasdan ang mukha niya.

"Huh?" Mas lalo siyang nagtaka. Ngumisi ako nang may naisip.

Ishould start flirting with him para mas mapadali siyang mahulog sa'kin. Nilapitan ko sya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Napatingin ako sa kanyang labi. It's so kissable! Ang pula pula nito at bahagyang plump.

Dahan-dahan ko siyang hinalikan. Dahil nga marunong naman akong humalik because my exes before taught me how to. Sinipsip ko ang kanyang ibabang labi at kinagat-kagat yun. Ramdam kong nanigas ang katawan niya at bahagyang lumaki ang mga mata.

Limipas ang ilang segundo at hindi niya ako tinulak. I put my tounge inside his mouth and explored every corner of it. After some seconds, ako na mismo ang lumayo at mas lalong nilakihan ang ngisi.

"Tamis," komenta ko sa labi niya. Hindi sya nakagalaw sa ginawa ko.

"Why did you do that?!" Pinunasan niya ang labi nang mabalik sya sa ulirat. I laughed like an evil. "T-that's my first kiss! Iniingatan ko yun! Ugh!" Reklamo niya.

Ngumisi ako. "Oh, buti naman dahil ako pa lang ang nakakatikim ng labi mo. What a flex."

"Hija?" Napapitlag ako nang pumasok ang mommy ni Aries. "Why are you here?" Tanong niya.

Napalunok ako. Nakita niya ba 'yun? Hindi naman siguro!

"Uh, nilinis ko lang po 'yung kinainan namin. N-nasa taas si Aries. May ginawa kasi kaming project.. tas, pumunta dito 'yung dalawa pa naming kaibigan," sagot ko.

"Ah," Napatingin sya kay Xandrey, "Who are you, dear?"

"I'm Xandrey."

"Oh. You must be Mavyies' boyfriend," ani Tita. May kumiliti sa tiyan ko. No, Tita! Magiging palang.

His Pleasure [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora