Chapter 38

225 9 1
                                    

"Sa condo ko, please," sabi ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pagd-drive.

Lumipas ang mga minuto at walang nagsalita sa isa sa amin. Gusto kong magsalita dahil gusto kong makapag-usap naman kami ng matino pero hindi ko alam ang sasabihin. Hindi naman pwedeng ang past niya ang i-topic ko at baka sumigaw-sigaw na naman siya.

"We're here na."

Napaangat ako ng tingin. Nandito na pala kami, hindi ko namalayan. Sabagay, malapit lang naman 'yung beach dito sa condo ko.

Lalabas na sana ako nang may naalala. "How do you know my condo's location?" naningkit ang mga mata ko sa kanya.

Bumuga siya ng hangin. "Don't tease me right now, Mavyies. Rouze is waiting for me there. We have to go back immediately. So, Caltera, faster your move."

Kumirot ang puso ko pero pilit ko siyang nginitian at bumaba ng sasakyan niya. Pumunta ako sa floor ko at pumasok sa kwarto. Pumili ako ng swim suit para sa'kin. Yanna said she rented the beach for 3 days at tapos na ang isang araw kaya dalawa na lang ang natitira.

Hindi na ako nagpatagal pa at ang kinuha ko na lang ay ang bagong bili kong two piece color orange and a sling swimsuit white blue color. Nagdala rin ako ng sunscreen at iba pang kakailanganin ko gaya ng mga skincares ko, lotion, a mask, and a sunglasses. I took four clothes. Isang skirt na may kaiksihan, a loose pants, and two crop top. Nagdala rin ako ng pyjama. Pati na rin sa gagamitin ko mamaya after ko mag half bath, a towel and a handkerchief. And of course, panties and bra.

Akmang ilalagay ko na 'yon sa bag ko nang bumukas ang pintuan. Kakabahan na sana ako pero nakita ko si Xandrey kaya nakahinga ako nang maluwag.

Tatanungin ko na sana siya kung paano siya nakapasok dahil wala naman siyang key card ko pero nagsalita siya. "I followed you when you got out of my car. I'm outside your room for 10 minutes already and I'm losing my patience so here I am, helping you to pack clothes," lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga damit ko. "And please, don't imagine anything."

Advance pa sa advance.

Hindi na lang ako nagsalita at napakagat ng mariin sa pang-ibabang labi. Namula pa ang mukha ko nang ang panty at bra ko na ang hinawakan niya but he doesn't looks bother holding it, though. Maybe he knows I'll be embarrassed if he teases about it.

Matapos namin ay siya ang nagdala ng bag ko. Pumunta ulit kami sa parking lot sa baba at sumakay kami sa kotse niya. Nagb-byahe na kami nang naalala ko ang binilin ni Adrian.

"Oh, shiz, wait! Let's go to some Malls. I have to buy clothes for Adrian," sabi ko. Hindi ko namalayang nakahawak pala ako sa braso niya kaya binawi ko 'yon na tila napapaso.

Holding him makes me feel electricity all over my body. Naaalala ko ang memories namin noon.

He groaned. "I don't want to."

"But, Xand!" protesta ko. "Walang magagamit si Adrian bukas!"

"Earlier, he said he'll make his men deliver him a wheel. Why don't he also ask for clothes?" taas kilay na sabi niya. "And who's gonna pick for his clothes? You?" sarkastiko siyang tumingin sa'kin.

"Malamang. May iba pa ba?" nakangusong sabi ko.

"Bet you have no taste in men's clothes, Mavyies. You're a woman and you wear females clothes," aniya.

"Edi ikaw?" patanong na sabi ko.

Nalukot ako mukha niya. "No way."

Hindi na lang ako nagsalita pa dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kanya. Hanggang sa nakadating na kami at bumaba na ako sa kanyang sasakyan. It's already 7 pm and we saw Adrian outside, leaning in the wall at nang makita niya kami, lumapit siya.

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon