Chapter 20

356 17 10
                                    

Nang matapos mag-usap usap ang mga may hawak ng mic at ang mga nakaupo sa harap, hinawakan nilang muli ang mic nila saka nagsalita.

"So, guys, let's ready! Mags-solo na ang mga muse sa pagsasayaw! Who wants to dance first?" maligayang bati noong babae. Tinignan ko naman ang ibang muse na kagaya ko kung may magn-nominate.

Ni-isa sa kanila ay hindi nagtaas ng mga kamay. Oh, I thought they were confident? Todong-todo nga sila sa pagsasayaw kanina. If they don't want, edi ako na lang. Kaya ko naman.

I raised my hands confidently as I stood up, "Itabi niyo, ako na," I said.

Naghiyawan ang mga tao. Ngumiti naman ang nasa harap and guided me where to position myself dancing. Tumayo lang ako doon at naghihintay sa speaker na tumunog ito. Though, I'm kinda nervous. Paano kung 'yung kantang ipapatugtug nila, hindi ko alam pano sayawin?

Nagsimulang tumunog ang speaker dahilan upang mas lalong nag ingayan ang mga tao. Timber na kanta ang tumunog. I know this sound! And I know how to dance it, too!

Pinahiga ko ang magdalawang kamay ko habang nakapatong ang isa dito pero may kaunting space. Una ay ang isa kong kamay pagkatapos ay ang isa na rin. Hinarap ko ang aking ulo sa right side. I moved my hips from side to side as I sign my both hands into circle. Pinaghiwalay ko ang mga binti ko at tinaas ang kamay ko upang ipacircle ito sa harap habang ang isa, nakababa lang. Maya-maya ay ang kabila naman ang ginalaw ko.

I moved my hands again as I moved my legs also, pinagsabay ko ang mga ito. Kadalawa ko itong inulit. Pinakrus ko bahagya ang mga braso ko pagkasabay ng mumunti kong talon. My two fingers, kinda massaged my head as my hips are moving. I signed my one finger a 'one' and stayed it away from my position. Kagaya ng isa, ganon rin ang ginawa ng isa ko pang kamay.

Parang nag-drum ako sa baba hanggang pataas sa ulo ko hanggang bumaba ito sa kabilang side ng aking ulo. My right hand held my stomach as I'm trying to move my waist in the right side also. Ganoon rin ang ginawa ko sa left side.

Tumigil na ang kanta at ako'y umayos naman ng tayo at naghintay ng kasunod pang kanta. Nagsigawan ang mga tao matapos kong sumayaw. Gosh, can't they shut their mouth?

Ano ka ba, Mavyies? Normal lang ito! Malamang ay may sisigaw talaga kasi liga ngayon. Alangan namang mag-away away sila, hindi ba?

"Ang galing ng muse ng Team White, ah! Hope you're not tired yet, Miss Caltera?" The gay said.

Bahagya pa akong nagulat nang may kung sinong nag-about sa 'kin ng isang mic. Tunganga ko naman iyong tinanggap kahit na nagtataka pa rin ako. Is this even necessary? I don't need a mic! Nakakahiya.

Kahit mejo nahihiya sa pagsasalita ay pinanatili kong parang wala lang ang mukha ko. I tried my best not to stutter from talking.

"I'm yet not. But if this will continue longer, I think I will. You know, I don't like to dance infront of so many people," parang wala lang na sabi ko. Nakarinig naman ako ng singhapan at mejo nanahimik ang mga tao.

I looked at Xandrey. Ngumunguso siya habang nakatingin sa 'kin. Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niya namang sumigaw sa dami ng mga tao dito. His finger touched his lips. Tinatapik tapik ito sabay nguso pa sa 'kin ng bibig niya nang mas mahaba.

He mouthed, "Gusto ko kiss."

Ngumisi ako. "Maya," sabi ko. Syempre, hindi ko pinahalata sa mga tao ang sinabi ko na walang boses.

"Sige na.. last na lang ito! Ready na ba kayo, everyone?!" Sabi noong babae.

Nagsigawan ulit nang malakas ang mga tao sa paligid. Hindi ba sila nauubusan ng boses? Ako nga ay mabibingi na yata rito, eh.

His Pleasure [COMPLETED]Where stories live. Discover now