BREATHE PART I

281 6 0
                                    

June 26, 2196

Nandito ako humihinga at nakaupo sa kawalan, walang magawa tanging pinagmamasdan lamang ang kumukutitap na mga bituin sa labas, at bukod tanging buhay na mag-isang nilalakbay ang kalawakan na walang kahit kasamang sino man, dahil halos patay na ang karamihan sa mga kasama ko at ako na lamang ang natitirang buhay sa spaceship na ito patungo sa malayong bituin sa labas ng solar system na kung tawagin ay Alpha centaury star system.

Naghihintay pa ako ng contact response mula sa Earth dahil ilang araw ng lumulutang ang stardust spaceship malapit sa orbit ng planetang Saturn, mga pirasong tirang pagkain ang kinakain ko galing sa basurahan matawid lamang ang aking kagutuman.

Tanging ang kasalukuyang area na ginagawalan kong cockpit or main controller ng spaceship ang gumagana, ang ibang parte kasi ng spaceship ay wasak na at walang oxygen at zero gravity kaya ang mga bangkay ng mga kasamahan ko ay nakalutang lamang sa loob.

Tanging ang kasalukuyang area na ginagawalan kong cockpit or main controller ng spaceship ang gumagana, ang ibang parte kasi ng spaceship ay wasak na at walang oxygen at zero gravity kaya ang mga bangkay ng mga kasamahan ko ay nakalutang lamang sa...

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

photo note mine ctto: https://pin.it/3ETfori

[Radio system frequency]

“Come in this is sargent Grand! Come in this is sargent Grand ng universal space agency may nakakarinig ba sa 'kin??”

Napatayo ako bigla nang may mag response sa system at radio kaya sinagot ko ang tawag.

“Hello? Hello? Yes this is Sandra Williams ng Stardust spaceship,” sagot ko.

Nabuhayan ako ng loob nang sinagot ko ang tawag mula sa Earth.

“Miss Williams? Ang botanist expert mula sa research facility center na pinadala ng agency sa Alpha centaury system?” tanong sa 'kin ng sargent.

“Yes ako nga!” sagot ko.

“Good, good umm... nasaan ang team captain ng inyong spaceship??”

“Ang team captain namin?”

“Oo maaari ko ba siyang makausap sa linya?”

“I'm sorry Mr. Sargent pero ako nalang ang natitirang buhay dito sa spaceship,"

“What did you say??”

“Patay na ang lahat dito sa spaceship at ako nalang ang nakaligtas kaya ito nandito ako sa controller ng spaceship,”

Hindi kumibo ang sargent ng ilang sandali tanging hininga niya lamang ang aking naririnig mula sa radio system.

“Miss Williams gaano kana katagal d'yan nanatili?”

“Hindi ko sigurado sargent pero mga halos mga 7 days na ako dito,”

“Kamusta ang kalagayan ng spaceship??”

“Ang ibang parte ng ship ay walang oxygen at sira ang mga circuits tanging main controller area ang gumagana ng maayos,” paliwanag ko sa kanya.

“Ang takbo ng spaceship? Ano kalagayan??”

Breathe (Tagalog Short Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang