BREATHE LAST PART

218 3 1
                                    

June 19, 2196

7:48 am.

Ito na ang nakatakdang araw na magsisimula sa 'ming panibagong buhay ang paglipat ng lahi naming mga tao sa ibang kalawakan kasama ang iba pang natitirang nilalang na mga hayop, maraming naglalakihang spaceship at space craft na tinatawag na stardust spaceship ang mga nakahilera sa ground field halos mahigit 5,000 katao ang pwedeng makasakay dito maihatid lang palabas ng kalawakan.

Kada batch ang aming paglisan patungo sa proxima B ng alpha centaury star system at kaming mga siyentipiko ang unang batch na makakalapag sa planetang proxima B.

Nangunguna ako sa harapan kasama ko pati ang aking team papasok sa loob ng stardust spaceship dala ang aming mahahalagang bagay na gagamitin sa paglalakbay.

"Welcome first batch of scientists and Miss Sandra Williams!? This is captain Rogie ng Stardust spaceship batch 1 ang mamamuno sa inyong paglalakbay,"

Nilahad ko ang aking kamay sa kapitan ng spaceship, mistiso at may pagkamaedad na ang kapitan ng makita ko sa umpisa.

"Nice to meet you miss Williams and to your colleagues here in spaceship, welcome," masigla niyang bati sa 'ming pagpasok sa ship.

"Thank you captain Rogie," sabi ko at ningitian namin siya pabalik.

Nilibot kami ng kapitan sa buong sulok ng spaceship malaki at malawak ang buong sasakyang pangkalawakan at halos abala ang karamihang mga passengers, scientist, crew at staffs ng ship.

Pinakita niya sa 'min ang main laboratory at office kasama ang aming head quarters.

"Dito ang inyong head quarters," tinuro sa 'min ng kapitan ang aming mga sariling silid bago siya umalis kung saan pwede kaming makapagpahinga kalaunan pumasok na kami sa kanya-kanyang mga silid.

Pagkabukas ko ng pintuan nakikita ko ang napakaluwag na silid at may kama sa gilid, sa tapat ng aking kami ay may malaking bintana na yari sa matibay na tempered window glass, pumasok ako ng dahan-dahan tsaka nilapag ko ang aking mga gamit, mga ilang minuto pa ang lumipas ay nagpalit na ako ng aking damit na susuotin.

[Prepare yourself, passengers and crew onboard the Stardust spaceship, since our journey will begin in just a few minutes,]

Lumabas na ako at nagtungo sa section 12 kung saan nakalocate ang aming laboratory para sa mga scientist.

"Miss Williams mabuti at nakarating kana,"

"Major Cruz any matters??" tinanong ko siya.

"Wala naman handa na maglakbay ang ating spaceship patungong proxima B,"

Kanang kamay ako ni Major Cruz ang head team ng aming grupong scientists na nag-aaral sa lahat ng may buhay sa planeta, naghahanda na kaming lahat sa paglapag namin sa proxima B para sa 'ming unang gagawing test.

Una naming gagawin ay magtatayo ng shelters na yari sa igloo glass at bilang unang batch na lalapag susukatin muna namin kung gaano kaparehas ang kalidad ng hangin sa proxima B pati sa planetang Earth ito lang ang tanging paraan upang mailipat namin ng mabilisan ang aming buhay bago pa tuluyang mawasak ang Earth.

[You must prepare now because we will be leaving in a few minutes,]

Nakahanda na ang buong team namin, kasama ang mga crew at staff ng ship sa 'ming paglisan.

[T minus 17 seconds and count, 15, 12, 11, 10, 9... Lift off]

Nagpalakpakan ang karamihan sa 'min dahil sa saya ng aming nararamdaman, at
dama ko pati ng aking mga kasamahan ang pag-angat namin sa himpapawid, nakakapit pa ako sa upuan dahil sa yanig na aming nararanasan sa mabilis na pag-andar ng spaceship patungo sa kalawakan.

Breathe (Tagalog Short Story)Onde histórias criam vida. Descubra agora