BREATHE PART II

227 7 1
                                    

August 12, 2189.

7 years ago.

Naglalakbay ako kasama ang grupong "Balances Earth" at isa akong botanist na eksperto sa pagsusuri ng mga iba't-ibang halaman, layunin ng aming grupo na magsaliksik ng mga nabubuhay pang mga halaman na pwede pang mareserba namin. Nahati ang grupo namin sa dalawa kami nasa kanluran sila naman nasa timog upang mas mapabilis ang paghahanap at aerial inspection sa lugar.

"Ano may nakita kayo?" tanong ng isa naming miyembro.

Lumapit ako sa kanya, "No signs of plants everywhere! Tanging mga buhangin at mga bato lang ang aming nakikita dito," sagot ko.

"Sa mga ilalim ng batuhan maski ugat ng isang halaman pwede na,"

Nasa labas kami suot ang oxygen mask at nakalagay naman ang small tank nito sa 'ming likuran balot din ang aming katawan ng makapal na tela at pinagpapawisan pero hirap parin huminga, naglilibot sa maalikabok na disyerto na dating luntiang gubat at halos 47 degrees ang nararanasan naming init kahit umaga pa.

"Hay hindi ko na kaya sa sobrang init!" daing ng isa naming miyembro nasi Amber at tinapik ko siya sa kanyang balikat.

"Hoy! Ano kaba malapit na tayong matapos dito kaya magtiis ka nalang sa init," sambit ko.

"Eh halos araw-araw na tayong naghahanap dito wala tayong makitang halaman o maski ugat manlang,"

"Amber diba nga sabi nga sa kasabihan walang susuko tamang tiyaga lang malalampasan din natin 'yan,"

"Ang sabihin mo lang kasi Sandra na matibay yang pangangatawan mo kaya 'yan malakas ka,"

"Oh ano naman ang pinag-iingayan niyong dalawa d'yan?"

Napalingon kami ni Amber sa likuran lumapit sa 'min ang pinaka pinuno ng aming grupo nasi Thomas, galing siya sa pangalawang grupo na naghahanap sa timog na bahagi kasama niya ang mga kasamahan niya na bumalik na at wala rin silang makitang buhay halaman

"Thomas?" sambit ni Amber.

"Wala rin ba kayong mahanap dito??" tanong niya.

"Wala at halos isang oras na kaming naghahanap o nagbubungkal pero wala talaga," sagot ko.

"May pag-asa pabang maibabalik natin ang ating planeta sa dating anyo?"

"Tandaan niyo hanggang nandito tayo! hindi may pag-asa pa para sa ating kinabukasan,"

Sa gitna ng pag-uusap namin bigla nalang kami nakarinig ng malakas na sigaw ng babae sa dulong bahagi agad naman naming pinuntahan.

"Ano ang nangyayari dito??" tanong ni Thomas.

"Hindi ko po alam bigla nalang sumigaw ang kasama ko," sagot nito.

Nilapitan ko naman yung sumigaw na babae at dumadaing ito sa sakit sa kanyang kamay.

"Aray!! Aray ko!! Masakit!!" daing nito.

"Bakit ano mayroon??"

"Yung kamay ko parang pinaso!!!" sagot nito na habang dumadaing parin sa sakit.

"Paso???" tinignan ko naman yung kamay niya at may butas ang kanyang telang binalot at pansin ko rin na bilog ang paso nito.

Lumapit naman sina Thomas at Amber.

"Ano nangyari sa kanya Sandra??"

"Hindi pangkaraniwang ang paso sa kanya, sabihin mo paano ka napaso?" tinanong ko muli siya.

"Naghuhukay lang naman ako tas may biglang pumatak at napaso na ako," sagot niya.

Kinabahan ako sa mga oras na 'yon at napatayo ako pinagmasdan ko ang buong kalangitan maya-maya'y may napansin akong tubig na papatak sa 'king kinatatayuan at umilag ako.

Breathe (Tagalog Short Story)Where stories live. Discover now