Chapter 59

1.4K 57 246
                                    

~ELLA POV~

Nagising ako ng magring ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa side table ng bed ko at sinagot.

"Hello?" medyo antok na bungad ko.

"Good morning! Nasa harap ako ng pinto ng room mo, open your door" kinusot ko mata ko.

Tumingin ako sa pinto ng room.

Pinatay ko nalang ang yung cellphone ko at bumalik sa pagtulog.

"WAIT!" napabalikwas ako sa pagbangon.

Omg I have a class pa pala!!

Tumakbo ako palabas ng room ko ng may mabangga ako.

"Hey! Relax!" napatingin ako at si Jack pala

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka" cold na sagot nito.

"Omg late na ba tayo??" kabadong tanong ko.

Baka pagalitan na naman ako ni dad.

"Late saan?" tanong nito sakin.

"Lutang kaba?? Sa school!! May pasok tayo!!" sabi ko sa kanya at pumasok sa room ko.

"Ikaw ang lutang, it's saturday tsk!" napatingin naman ako sa phone ko.

Ayyy oo nga pala Saturday nga HAHAHHAHAA.

"HAHAHAHAHA" napatawa nalang ako sa kalutangan ko.

"Stop laughing! Magbihis kana at hahatid na kita sa kuya mo, BILIS!" medyo inis na sabi nito.

"Anong meron ba?" tanong ko.

"Tsk! Stop asking questions!" sabi nito at hinila ako papasok ng CR.

"Maligo kana! Ang baho mo!" sabi nito at sinirado ang pinto ng CR.

"HOY HINDI AKO MABAHO!!" sigaw ko at tumingin sa salamin.

*30 MINUTES LATER*

"Why do you take so long to take a bath??" inis na tanong nito.

Ako na tulala lang dahil lumabas ako ng nakatowel lang.

Umiinit yung pisnge ko!!!!

He grinned as he looked at me from head to toe.

"AHHHHH!!!" sigaw ko kaya nagpanic siya.

"GET THE F*CK OUT OF MY ROOM!!!! PERVERT!!!!" dagdag na sigaw ko sabay balik sa CR.

~JACK POV~

Napabalikwas ako ng tayo ng sumigaw si Ella.

"GET THE F*CK OUT OF MY ROOM!!!! PERVERT!!!!" sigaw nito sabay takbo papasok ng CR.

Napatawa nalang ako ng kunti.

Lalabas na sana ako ng makita ko ang mommy ni Ella na nasa pintuan na nakatingin sakin.

"I'm sorry tita" sambit ko ng makita ko siya.

Shit!!! This is so embarrassing!!!

"Wala akong intensyon s----" - Me

"Hahaha i know, I trust you Jack" nakangiting sabi nito kaya guminhawa ang aking loob.

"And btw saan mo na naman dadalhin si Ella?" tanong ng mom ni Ella.

"Pinapasundo po ni Dexter si Ella sakin, kakain daw sila" sagot ko.

"Ok, just wait in the living room Ok??" tumango ako sa sinabi niya.

Ms. Trouble Meet Mr. Gangster Where stories live. Discover now