Chapter 48

3.3K 183 30
                                    

~Anna's POV~

3:54 pm na pero wala parin sila.

Handa na lahat ng pagkain at nakabihis na din ako.

Sinuot ko yung dress na binili ni Ella para sakin hehehe.

"Ang ganda ng dress mo ate!" Sabi ng kapatid ko kaya napangiti ako.

"Bigay kase yan ng kaibigan niya anak" sabi ni mama sabay suklay ng buhok.

Nasaan na kaya sila?

Tagal naman

*4:16 pm*

Nasa pinto ako nag aabang sa kanila.

Nakalimutan ba nila?

"Anak sigurado kaba na pupunta sila?" tanong ni mama sakin kaya tumingin ako sa kanya ng nakangiti.

"Oo naman mama baka na traffic lang sila" sagot ko dito.

Pumasok na ako sa loob at umupo.

Baka nga nakalimuta---

"HAPPY BIRTHDAY ANNA!!" napatayo ako ng marinig ko ang boses nila ni---

Teka? Bakit andito yung apat?

Akala ko sina Ella lang at Carl.

Pumasok na sila Kaya napangiti ako.

"Happy birthday Anna, ito may binili kami cupcakes for you" sabi ni Jack kaya inabot ko ito.

"Salamat Jack" sabi ko sa kanya.

"Ito yung amin Anna oh" sabi ni Carl.

"Salamat, cge maupo na kayo oh" sabi ko sa kanila.

"Sorry na late kami, super traffic eh" sabi ni Ella.

"Ayos lang ang importante nandito na kayo" sabi ko sa kanya.

Umupo na si Ella kaya pumunta na ako sa kusina para ilabas yung binila nilang cake at cupcakes.

Ang saya ko, ngayon lang ako nagkaroon ng bisita sa birthday ko.

"The dress looks so amazing on you" napatingin naman ako Kay Ella.

"Haha binili mo to sakin" natatawang sabi ko.

"I know" sabi nito at tinulongan ako sa ginagawa ko.

"Ella dapat umuupo kalang dun, bisita kaya kita" sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo na boring naman dun" sabi nito kaya hinayaan ko nalang.

"Tulongan na kita Ella" napatingin naman ako kay Carl.

"No ako na baka madumihan" sabi naman ni Jack.

Hahahaha natatawa nalang talaga ako sa kanila.

"Ako na muka ka pa namang virus" sabi naman ni Carl sabay kuha ng plato ky Jack.

"Ako na na nga muka mo pa naman parang bacteria" sabi ni Jack ky Carl.

Nakatingin ang dalawa na mata na parang ano mang oras ay magsusuntukan na.

"Tama na yan, kung gusto nito tumulong gawin niyo nalang hindi yung mag aaway pa kayo na parang asong na uulol, tsk" sabi ni Ella saka lumayo sa kanila.

Hahahaha pano ba naman kase ang ganda ni Ella.

*Minutes later*

~Ella's POV~

Ms. Trouble Meet Mr. Gangster Where stories live. Discover now