Chapter 44

3.8K 212 27
                                    

~Ella POV~

Tumingin ako kay Carlen at sa mga kasama niya.

"Los--" bago pa matuloy ang sasabihin ng kasama ni Carlen ay agad ko itong sinipa sa tagiliran dahilan para matumba siya.

"What the hell!!" sabi naman ni Carlen kaya tumingin ako sa kanya.

"Try me" nakangising sabi ko sa kanya.

Yumuko ako ng sinubukan ako hampasin ng isa pang kasama ni Carlen, sinipa ko din siya sa tagiliran.

At yung isang lumapit ay sinipa ko sa tyan.

"Ang sakit huhu! " angal ng kasama niya.

Lalapit na sana si Carlen sakin ng huminto ito ng may sumigaw mula sa likod ko.

"STOP!!" napatingin naman ako sa likod ko at si Carl lang pala yun.

"Ella!" sabi nito ng makalapit sakin sabay tanggal ng tali sa kamay ko.

Ng matanggal na yung tali sa kamay ko ay agad ako tumingin kay Carlen.

"Carlen tigilan mo na si Ella" sabi ni Carl kay Carlen.

"No!! tingnan mo ginawa niya sa buhok ko" sagot nito kay Carl.

"It just a hair, tutubo din yan" sabi naman ni Carl.

Sasampalin ko na sana si Carlen ng hawakan ni Carl ang kamay ko.

"Enough!" sabi nito sakin.

"Halika kana!" sabi ni sabay hila sakin.

"Ano ba!! bitawan mo nga ako!!" pagpupumiglas ko.

"Tingnan mo nga yang sarili mo" sabi nito sakin.

Binitawan niya lang ako ng makarating kami sa locker niya.

Agad niya binuksan ang locker niya sabay kuha ng isang damit.

"Here suot mo yang extrang damit ko" sabi nito sakin sabat abot ng damit.

"Huh?" tanging sabi ko lang.

"Saka baka may extrang palda ka dun sa locker mo" sabi nito.

"Ah oo cge kunin ko lang tas papalit nako" sabi ko saka tumakbo patungo sa locker ko.

Bwisit na Carlen yun, ginagalit niya talaga ako ah.

Pumasok na agad ako sa cr ng makuha ko yung palda ko.

Ng makabihis ako at naglinis ay agad ako naghilamos ng muka.

Napatingin naman ako ng may narinig akong umiiyak.

Sino kaya yun?

Dahan dahan ako lumapit kung saan nagmumula ang iyak.

Napahinto ako ng makita ko si anna na umiiyak sa gilid.

Napangisi nalang ako.

Lumabas na ako ng cr.

Laki naman ng damit ni Carl.

Pasok ko nalang sa palda ko para hindi halatang malaki

Yan! perfect!!!!

Hmmm gusto ko muna mapag isa, at gusto ko ng tahimik.

Dahil nan gigil na naman ako sa muka ng babaeng bwisit na si Carlen.

Nilagay ko muna yung damit ko sa locker ko saka naglakad patungo sa library.

*Library*

Ng makapasok ako ay agad ako naghanap ng libro para magbasa.

Ms. Trouble Meet Mr. Gangster Where stories live. Discover now