CHAPTER ONE ~TINDAHAN NI ALING ISING~

23 2 0
                                    


(Zxykie's P.O.V.)

*Tok! Tok! Tok!*

"Tao po!?"
"Pabili po!"
"Aling Ising?"
"Pabili po!?

Kanina pa ako sa harap ng tindahan ni aling Ising, at walang taong sumasagot upang pagbilhan ako

("Sarado kaya ang tindahan niya?")*-sagi pa sa aking isip

Umupo muna ako sa may upuan dito sa may gilid ng tindahan, nagbabakasakaling lumabas na ang tinderang layas

Tahimik lang ako at nagmamasid masid sa mga dumaraan sa kalye

Makalipas ang ilang sandali...

Biglang nag slow-mo ang paligid
Kuminang ang aking mga mata, natulala ng makita ko si crush na dumaan kasama ang buong team ng basketball,

Siguro ay may practice nanaman sila for the upcoming sports tournaments kaya't abala sila sa pag ensayo

Meet Saviero Lacoste , Basketball Captain, ang pinaka poging nakilala ko, sa aming school section

("Omgggg! ang gwapo talaga niya")-saad pa ng malandi kong utak

Nabalik ako sa ulirat ng makalagpas na sila, ngunit hindi parin mawala agad ang aking pagkakilig

Maya-maya pa ay nakita ko na lumuwas si aling Ising sa bahay ng kapitbahay niya

Tumayo ako sa aking kinauupuan at kuryos na nagtanong

"Oh?, Aling Ising d'yan ka na po pala nakatira ngayon?, eh kanino na po itong tindahan niyo ngayon?" -nagtatakang ani ko habang naka pout

"Ano ka ba naman iha! naki balita lang ako, syempre sa akin parin itong tindahan, teka bibili ka ba?"-saad ni Aling Ising habang nagkakamot sa ulo ang isang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa dala niyang tupperware

("Kutuhin siguro to nagkakamot sa ulo eh HAHAHHA")-pabirong sabi ko sa isip

"Pina-pabili po ako ni mommy ng tatlong itlog, sampung-pisong mantika,Coke naman po kay kuya yung nasa can atsaka po, pabili na din po pala ako ng isang balot ng napkin" -isa isang banggit ko pa sa mga bibilhin ko

Maya-maya pa ay iniabot din agad sa akin ni aling Ising ang mga binili ko at bahagyang iniabot ko naman sakanya ang saktong bayad para dito

Papaalis na sana ako ng biglang sumagi sa aking isip yung dala ni aling Ising na tupperware kanina at naisipan ko na din makibalita, tinamaan ako ng kuryosidad at hindi napigilan ang aking bibig sa pag tanong

"Aling Ising ano po yung kumakalat na tsismis, este balita?, pwede po bang makibalita? Atsaka ano po yung laman nung tupperware na dala-dala niyo po kanina?hehehe"-walang pag a-alinlangang sambit ng bibig ko kasabay ng pag ngiti-ngiti ko na tila ba nahihiya at napipilitan lang mag tanong

Sumagot si Aling Ising at naku! nagsimula na siyang mag kwento...

"Alam mo ba yung Mansion dun sa kabilang kanto?"- pabitin pa nitong tanong saakin bago dumako sa pangalawa

("Oh tapos?")-sambit ng aking isip

Tahimik lang ako at nakinig sa tsismis ni Aling Ising

MY JAPANESE CLASSMATE 2022 (ONGOING)Where stories live. Discover now