CHAPTER TWO ~BALIK ESKWELA ~

16 2 0
                                    

Kinaumagahan...

"Zxykie!!!Bw!s!t naman oh!"-sigaw ng kuya kong maikli ang pusod

Malakas na kinalampag ni kuya ang pintuan ng aking kwarto at...

*BLAGG!!!*

Nagising ako sa ingay ng pagkatok ni kuya

Agad akong bumangon at dali daling
ginawa ang morning routine ko naligo ako, pagkatapos ay sinuot ang uniform na suot ko noong nakaraang taon, at gaya ng dati ay tinali ko ang buhok ko in two sides, yung favorite kong puyod simula nung bata pa ako

"Siguro ay pwede pa naman ito kahit hindi na uso" -sambit ko kasabay ng pag-sukbit ko sa aking backpack
at mabilis na lumabas sa aking kwarto

Pag-labas ko sa aking kwarto nakita ko si kuya Sam na nakatayo sa may gilid ng kwarto ko ,na nakasuot na ng uniform at backpack

"Kuya Sam!"- gulat na sambit ko

"Hoy panget!, Naaabala mo ako!,alam mo namang may pasok ako diba?!, Umalis na si Mom at sabi pa niya gisingin daw kita, Tang*na sa sunod kase bumili ka na ng alarm!"- bungad pa na sermon niya sa akin

"Opo kuya"-mahinahong tugon ko

"Aalis na ako bahala ka na dito!, Tsk!"-sambit pa nito at akmang aalis na

"Teka! Kuya Sam, Baon ko?"-pagpigil ko pa dito

"Walang iniwan si mom, baunin mo na lang yung nasa ref!"- sambit pa nito at tuluyan ng umalis sakay ng kanyang motorsiklo

"Patay pano ako papasok nito? Wala akong pamasahe"-malungkot na sambit ko

Tumakbo ako patungo sa kusina at agad na nag almusal, gaya ng inaasahan wala nanamang ulam inu-busan nanaman ako ni kuya, kaya't uminom na lang ako ng tinimpla kong gatas at kinain yung sinangag na nasa mesa, pagkatapos ay tiningnan ko ang laman ng ref...

"Arggghh!"*

"Anong kukunin ko dito?,Eh?,wala namang laman Huhuhu!"

Walang gana kong isinara ang pinto ng ref

Pagkatapos ay umalis na ako sa bahay at nag pasya na mag lakad patungo sa school

Nakita ko si Kisses kaya masaya ko itong tinawag

"Kisses Intayin mo ko! Atsaka ano pala yang mga dala mo?, ang dami naman niyan!"- sigaw ko kay Kisses my friend

Tumakbo ako ng mabilis patungo sa kinaroroonan ni Kisses at agad na kinuha lahat ng dala niya na nasa lagayan ng isang malaking kahon

"Kisses ako na magdadala niyan!"- masiglang sambit ko kasabay ng pagkuha ng dala ni Kisses my friend

"Buti naman nandito ka na Zxykie! Ang bigat ng mga gamit mo, buti naman binuhat mo na"-hinihingal na sabi nito

"Gamit ko?"-kuryos na tanong ko dahil wala naman akong gamit na ganito ka dami

"Oo sayo daw yan sabi ni ma'am, naiwan mo daw yan noong nakaraang taon sabi ni ma'am , puro yan sulat kamay mo, kung ano ano nga ang nakasulat HAHAHAH"-nagtatawang tugon nito

MY JAPANESE CLASSMATE 2022 (ONGOING)Where stories live. Discover now