CHAPTER 10

109 4 0
                                    

Chapter 10

Kinabukasan, medyo magaan na ang loob ko. Pakiramdam ko nabawasan ang tampuhan namin ni Lance. Okay na naman siguro kami. My heart feel at ease after we talked last night. It's overwhelming.

“Goodmorning Vanny!”

Napatalon ako sa gulat, hinihingal kong tiningnan ng masama si Lance at hinampas ang braso niya.

“Loko ka!”

He laughed hardly and held his tummy like he's out of breath. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya. I smiled and napaaray siya at hinimas ang ilong niya.

“Vanny naman!”

I smirked, “deserve!”

“Okay lang, at least cute naman ako.”

I smirked. “Pasalamat ka at minanahan kita,”

He pinched my cheeks. By that, I feel calmed. My best friend is back.

“You're beautiful, Vanny.” He complimented.

“Bolero! Diyan ka na nga, malilate nako!” I said and ran away.

Beautiful? Talaga Lance? Kung talagang maganda ako bakit hindi ako? Sinungaling.

I focused on my classes that morning. 5 months to go and we're about to graduate. I've been waiting for that all my life. After all of this hard works, sleepless nights, and sacrifices, I will finally hold my diploma and wear that black toga. Pangarap ko lang to noon, at malapit ko ng maabot iyon. Kunting tiis na lang. And I'm going to be Doctora Havannah Claire Martinez, can't wait.

It was lunch break when Ashton came to my table. I smiled and let him eat with me. Hindi ko kayang iwasan si Ashton, ang bait niya. Saka isa siya sa naging sandalan ko kapag malungkot ako. He was there when no one could, not even Lance.

“Havannah,”

Napatingin ako kay Ashton nang tinawag niya ako. “Oh?”

He smiled, “pwede mo ba akong samahan mamaya?”

“Saan?”

“Sa lola ko, bibisitahin ko. Miss ko na eh, gusto sana kitang isama.” Paliwanag niya.

I nodded and smiled. “Sige, sasama ako.”

Bumilog ang mga mata ko nang bigla nya akong yinakap ng mahigpit. And then I saw Lance at the edge of the pathway looking at us. He stared at me for a while and turned his back on me.

“Thank you, Havannah!”

Hanggang sa matapos ang klase hindi na ulit nagpakita ni anino ni Lance. I tried to open my instagram account to see if he's online only to see his story. I click his story. It was a selfie of him and Elly with a caption. "Always you, mahal."

Napapikit ako nang maramdaman ang hapdi sa puso ko. Bakit nga ba umasa ako dahil lang sa pag-uusap namin kagabi? I'm just a friend, iyan lang talaga ang lugar ko sa puso niya. Damn, tanggapin mo na kasi Havannah na hindi magiging kayo.

Katulad ng napagkasunduan namin ni Ashton. Pagkatapos ng klase ay sinamahan ko siyang mamili ng mga pasalubong para sa lola at lolo niya. He keeps on smiling the whole time he was buying his grandparents a groceries. Nahawa tuloy ako sa ngiti niya.

“Alam mo itong pinanggrocery ko, ipon ko ito mula sa pagpapart time ko sa pagbabartender,” he said while getting a pack of milk.

“Ang sipag mo naman,”

He smiled and pushed the cart. “Kailangan eh, lalo pa at panganay ako.”

Hindi sila ganoon kayaman. Kapitana sa baranggay iyong mama niya samantalang ang papa niya ay iniwan sila nung magbibinata na siya. He has two more brothers and one youngest sister.

Iniwan sila ng ama pero hindi iyon naging dahilan para tumigil siya. Mas lalo lang siyang nagsumikap. And I admire him for that.

Isang oras ang byahe namin papunta sa bahay ng Lola't Lolo niya. Gamit namin ang SUV niya na regalo raw ng lolo niya sa father's side.

“Dito na tayo!” masayang aniya.

Natatawa akong tinulungan siya sa pagdala sa mga pinamili niya. Bumungad sa amin ang isang maliit ngunit napakalinis na bakuran na may mga tanim na bulaklak at isang di kalakihang bahay. Ashton happily walked towards the house. Nahawa rin ako sa ngiti niya. Para bang ang saya saya niya.

“Tao po,” mahinang katok niya sa pintuan ng bahay.

When a doors open. An old woman shocked and immediately hugged his grandson. Nakita ko kung paano mahigpit na yinakap ni Ashton ang lola.

“Si lolo po?”

“Ay naku, naroon at ayaw uminom ng gamot.”

“Ano po? Teka po, ako na magpapainom kay lolo.” Ashton softly said.

“Teka apo, hindi mo ba ipapakilala sa akin itong magandang dilag na kasama mo?” His Lola said and looked at me with a smile on her face.

Ngumiti ako at lumapit sa kanila.

“Uhm, si Havannah po, lola, kaibigan ko. Havannah, si lola.”

Muli akong ngumiti at kinuha ang kamay ng matanda para magmano. “Magandang hapon po, lola.”

“Magandang hapon din ija, oh sya tumuloy muna kayo.”

Magiliw kaming pinapasok ng lola niya sa bahay nila. Agad namang linapitan ni Ashton ang lolo niya at kinausap ito. Makikita ko sa ngiti at kislap ng mga mata nila na mahal na mahal nila ang isat isa. I smiled when I saw him taking good care of his lolo and making him drink his medicine.

“Ang bait talaga ng apo ko,” maya maya pay banggit ni lola sa likod ko.

Nakangiti kong hinarap si lola at tumango. “Oo nga po Lola eh,”

Inanyayahan ako ng lola niya sa likuran ng bahay nila kung saan may upuan at nakatanaw sa ilog sa di kalayuan.

“Siguro special ka sa apo ko, ikaw ang unang babaeng dinala niya rito.”

Nagulat ako sa sinabi ni lola. Napatingin ako sa kaniya at hindi nakapagsalita.

“Si Ashton, sobrang bait na bata, masipag pa. Isang malaking pagkakamali ni Anton na iniwan niya ang anak at asawa niya.”

I nodded. “Tama ka po diyan lola, ang swerte niya nga kasi hindi nagtanim ng sama ng loob si Ashton sa kanya.”

“Kilalang kilala mo na nga ang apo ko,”

I shook my head. “Naku, hindi naman ganoon kakilala lola. Basta isa lang ang alam ko, mabuting tao si Ashton.”

Her Lola laughed and held my hand. My heart melts at that. “Sana kung anuman ang meron sa inyo ni Ashton ay tumubo pa at maingatan ninyo ng tama.”

“Tama na yan lola at baka pakasalan agad ako ni Havannah,”

Sabay kaming napalingon kay Ashton na papalapit sa amin. Natatawa ang lola niyang tumayo at hinawakan ang kamay ng apo.

“Alagaan mo si Havannah, huwag na huwag kang mananakit ng babae.”

Ashton laughed and gently touched the back of his lola. Pagkatapos ay kinuha ang kamay ko dahilan para tumayo ako at lumapit sa kanila.

Tiningnan niya ako ng malalim kaya pinagpawisan ako ng todo sa noo.

“Ipinapangako kong aalagaan at mamahalin kita katulad ng pag-aalaga at pagmamahal ko kay lola,”



Why Can't You Be Mine? [COMPLETED]Where stories live. Discover now