Aking Mahal
by: wilmapark_Ang iyong kapakanan ay una
Ipaglalaban ka, kahit ang iba ay suko naHangad nila para sayo ay sakuna
Hindi ako papayag, teka munaSa iyong paligid ay puno ng manloloko
Iyong likas na yaman ay nais isakoIka'y paulit-ulit na sumisigaw ng ayoko
Tahan na, andito ako, hindi kita isusukoMga taong nanakit sa'yo ay hindi inasahan
Para kang naging bola kung pagpasa-pasahanSarili mong mga anak, sila pa ang nagpustahan
Mismong buhay mo ay kanilang isinangkalanKaya naman musmos mong mga anak, ang mga kabataan...
Sila ngayo'y nanganganib mawalan ng kinabukasanIkaw ay patuloy na ginawang basahan ng karamihan
Ang iyong puri ay paulit-ulit na ginawang katatawananIkaw ay lubos na nasaktan, paulit-ulit pa, pero halika at tumahan
Sapagkat hindi ka namin papabayaan, ikaw ay ipaglalabanPilipinas, aking mahal, tunay man na kay hirap mong ipaglaban
Pero kailanman, makaka-asa kang ikaw ay hindi susukuan...
• • •05|09|22
For Philippines, my beloved country. May this election be in favor of no one but you.
![](https://img.wattpad.com/cover/240860631-288-k995109.jpg)