Chapter 16.

189 9 0
                                    

Shook! Hindi ko napasalamatan ng maayos si Ryle kagabi, how could I forgot that? Since maaga kaming nagising ni Eyra, dumiretso kami sa shop. Alas kwatro pa lang ng umaga nang sabay kaming magising, pinilit kong patulugin pa siya pero ako ang napilit niyang bumangon magkasama.

Nakabihis na siya ng uniform at nanood ng kung ano sa tablet niya sa isang sulok ng kitchen habang nagbe-bake ako.

I'm currently baking a sugar-free cake. Maliit lang naman siya, kasya lang sa tatlong tao. I'm giving it to Ryle today to show my gratitude.

"Mommy, what is this?" lumapit siya sa akin at ipinakita ang nasa tablet niya. "Is it really true that if a person is in love, his eyes will be heart-shaped?" natatawa akong ginulo ang buhok niya dahil sa nakita.

"It's only in the movies, 'nak. It's not true. Hugis puso sila para iparating sa mga nanonood na in love sila, that's how it works." saktong tumunog ang oven hudyat na tapos nang mabake ang cake. Binuksan ko iyon at maingat na inilapag sa mesa.

"How can you tell if a real person is in love then, mommy?" tanong niya muli. Nakakunot akong tumingin sa kaniya. "My classmate, Vein, told me the love story of her parents last week. She said that her father is so in love with her mother until now, he care for her everytime and always says 'I love you' but she didn't told me 'bout her father's eyes."

"You're too young to learn that, Eyra. Besides, mommy is not a fan of romance." lalong nangunot ang noo ko sa paraan ng tingin niya. Tinitignan niya ako na para bang may nagawa akong krimen. "Eyra? What's with the look?"

"You're lying, mom. You're so red when daddy Ryle kissed you. That's a romance." pang-aasar nito sa akin. Naitikom ko saglit ang bibig nang maalala iyon.

"Eyra, do you want me to pinch your cheeks hard?" bungisngis itong umiling.

"But mommy, is daddy Ryle in love with you?" muntik ko nang mabitawan ang cake na inaangat ko na ngayon. "If yes, maybe I can tell how people look like if they are." seryoso niyang sambit habang nagpapatuloy na sa panonood.

Bakit nga ba kasi Disney ang pinapanood ko sa kaniya? Napapasukan agad ng mga bagay tungkol sa pag-ibig ang utak niya.

Once she's curios, she'll find a way to solve thay curiosity. Pero hindi naman siya pasaway, kapag sinabing hindi niya dapat malaman, kakalimutan niya na lang.

"Good morning, ate! Ang aga niyo naman po ngayon? Good morning rin sa'yo, baby Eyra." sabay na pumasok sina Japy at Bambe sa kusina.

"Good morning, tita Bambe, tito Japy!" the kid greeted them back.

"Good morning." sabay naming bati ng lalaki.

"I'm baking a cake for someone, that's why. Kayo? Ang aga niyo rin, ah. Kamusta ang weekend?"

"Uhm, masaya naman ate. Kayo ba ni Eyra, kamusta ang Baguio? Nakita ko sa Instagram ni kuya Ryle, magkasama kayo. Uy, ikaw ate, ha. Pa-chika naman ako, kayo na po ba ni kuya Ryle?" I'm stunned.

"Ha?! H-hindi, ah! Nangyaring ano lang, n-nandon siya para sa business!"

"Bakit ka natataranta at namumula, ate?" sinilip niya ang mukha ko habang nakangisi. Wala akong magawa kung hindi ang samaan siya ng tingin. "Alam ko kung kanino mapupunta iyan." tinuro niya ang cake na nailagay ko na sa box. Mapanloko siyang tumingin sa akin. "Kay kuya Ryle." tuwang-tuwa siyang pagtripan ako.

"Bambe, tigilan mo ako. Bakit kayo ni Japy? Bakit kayo sabay na pumunta rito? Hindi naman kayo magkapitbahay at laging eksaktong oras dumarating si Japy, bakit ngayon, nagbago na ata? I have the right to know what's going on between my workers, Japy, Bambe, kayo? Kayo ba?" I was joking about what I said but to my surprise, they're shocked and both blushing! "Omg,"

MY DAUGHTER WANTS TO HAVE A DADDY. Where stories live. Discover now