Chp. 22: Stalker

400 20 0
                                    

Seriously, pati rito sa birthday Rae?

"Girl, chance mo na ito! Go!"

"Anong go?! I'm not interested in Mara."

Narinig ko ang malakas na pagihip ni Marcus ng hangin. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa braso ko para iharap ko ang sarili ko sa direksiyon ni Mara.

"Sure ka? I mean...look at her-"

"No thanks." 

Bumagsak ang braso ni Marcus at napasandal siya sa upuan.

"See? Ito ang dahilan kung bakit single ka pa rin. You don't like taking risks." 

Ouch, I mean...he's not wrong though.

"Or baka naman may nagugustuhan ka at the moment..." Biglang pinindot ni Marcus ang tagiliran ko kaya napatili ako nang mahina.

"Ayan tuloy! Nakita niya ako!" Bulong ko kay Marcus dahil nakita kong papalapit na sa amin si Mara.

Kung puwede lang ako maglaho sa isang pikit...

"Jess! You see what I mean? Nakakalimutan ko talaga na kaibigan mo si Adeline."

Pagkatingin ko sa tabi ko ay doon ko lang namalayan na wala na pala si Marcus. Nakita ko siya sa sulok ng bahay at binigyan pa ako ng thumbs up. I internally gave him the finger as a reply.

"Can I?" Tinuro ni Mara ang espasyo sa tabi ko at tumango naman ako.

"I hope we're not interrupting something..."

Bigla akong ginanahan nang marinig ko ang boses ni Andy, kasama niya rin sina Tina at Janelle.

"Ah, hindi naman." Tumayo ako at niyakap silang lahat. 

"Bakit nandiyan si Mara?"

"'Di ba may crush sa'yo 'yan noong college?" Bulong sa akin ni Tina.

"Oh my...kayo na ba?"

Sabay-sabay nilang binulong sa akin yung mga tanong nila. "I don't know, oo sinabi niya sa akin, nope and never." 

Tumango sila at humiwalay kami sa isa't isa.

"What's up, Mara?" Bati ni Janelle.

"Janelle! Congratulations ulit. I'm doing good, so happy to be here."

Nakita kong sinulyapan pa ako ni Mara nang saglit pero pinili kong hindi nalang ito pansinin.

Naupo kaming lahat sa upuan at nagsimula na silang mag-usap.

"Jess? Can I talk to you outside?"

Hindi ko inasahan yung sinabi ni Mara pero pumayag ako. Nagpaalam muna kami nang saglit kila Andy bago lumabas.

Ngayong nasa labas na kami, inantay ko ang sasabihin ni Mara pero tila kinakain niya yung mga sasabihin niya dahil hindi siya makasalita at makatingin sa akin nang diretso.

"Ano yung sasabihin mo?"

Inangat niya ang mga mata niya at doon ko natanto na kinakabahan siya.

"Naalala mo yung sinabi ko sa'yo na may crush ako sa iyo rati?"

Tumango ako at pinagpatuloy niya yung sasabihin niya. "Well...um, actually until these days mayroon pa rin and...I think it's starting to feel more than a crush."

Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata sa sinabi niya. I wasn't expecting that.

Wala akong masabi kaya binalot kami ng katahimikan. Sinubukan kong mag-isip kung ano ang sasabihin ko pero tila blanko ang utak ko ngayon.

"Say something?" Nagmamakaawa niya akong tiningnan.

Huminga ako nang malalim at hinarap siya na may lakas ng loob. 

"Mara...you're beautiful, I know that since naging magkasama tayo sa organization noong college. But...I'm really not interested in relationships as of now, so...I'm sorry?"

Bakas ang sakit sa mukha ni Mara kaya agad ko siyang sinubukan na i-comfort.

"No, you don't have to be sorry." Nagsimula na siyang tumalikod at lumakad palabas ng bahay. 

"That's one way to let down someone slowly."

"PERSIA?!"

Indebted (GXG)Where stories live. Discover now