Kabanata 20

11 0 0
                                    

Alas sais nang magising ako dahil sa pagrereklamo ng tyan ko. Tiyak kong hindi na maipinta ang mukha ko habang tinatahak ang kusina.

“Monica!” sigaw ni Mommy at dinaluhan ako.

Napapikit ako dahil sa hilab ng aking tyan.

“Nagugutom ako, Mom.” mahina kong saad.

Napaupo ako habang namamahinga ang aking ulo sa aming wooden table.

“Ayan kasi! palaging nagpapalipas ng gutom! tingnan mo sarili mo!” pagtatalak ni Mommy.

Hindi ko na kayang hintayin pa ang luto ni Mommy at hinalughog ko na ang refrigerator. Wala na akong panahong mamili at linantakan ko na agad ang mga pagkaing nananahimik sa loob nito.

Habang abala ako sa pag nguya ng wheat bread ay naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ni Mommy. Nakahiga lang ito katabi ng plato ko. Nag angat ako ng tingin kay Mommy na ngayon ay abala parin sa pagluluto.

Binalikan ng mga mata ko ang kanyang cellphone. Patuloy parin itong tumutunog hanggang ngayon. Mabilis ko itong nabuksan dahil wala naman palang password ang kanyang cellphone. Tumambad sakin ang isang mensahe.

Unknown number

Hanggang ngayon naaalala ko parin ang ating kahapon. Nanabik parin ako sayo.

Nanlaki ang bibig ko sa nabasa. Bumilis ang takbo ng puso ko at nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan. Mabilis kong binalik sa dating pwesto ang cellphone ni Mommy nang makitang papalapit na siya sakin.

“Here, ubusin mo yan. Kumain ka ng marami.” aniya habang nilalapag sa table ang niluto niya.

Pinaglaruan ko ang hawak kong kutsara at tinidor habang nakatitig sa kawalan. Tila natahimik ang aking tyan na kani-kanina lang ay masungit itong nagrereklamo. Parang piniga ang puso ko habang pinagmamasdan si Mommy na ngayon ay masayang nakatutok sa kanyang cellphone.

Parang nanghina ang katawan ko. May iba na bang nagpapasaya sayo, Mom? Sino? Isang taong naging parte ng iyong nakaraan?

Umakyat ako ng kwarto habang wala parin sa katinuan. Sumagi sa isapan ko ang mga pagdududa ni Daddy. Wala pa akong sapat na ebidensya pero kumbinsido ang puso ko na may maling nangyayari sa bahay na ito.

Binalikan namin ang mga bags at boxes na hinanda namin kahapon. Isa-isa namin itong binuhat patungo sa nasabing pick up ni Vim.

“Dahan dahan lang girls, baka malaglag matres niyo.” si Bianca.

Natagpuan ng mga mata ko si Zhavia na ngayon ay kausap si Vim. Nag offer pa ito ng tubig sa kanya nang makitang napagod ito sa pagbubuhat. Ayos din no? namamangka sa dalawang ilog?

Padabog kong linapag ang dala kong box sa loob ng sasakyan.

“Monica, magpahinga kana. Ako na dyan.” si Vim at dinaluhan ako.

Napabaling ako kay Zhavia na ngayon ay bigo ang mukha. Gayun paman ay nagawa niya parin akong gawaran ng isang magandang ngiti.

“Kanino to? sinong nag donate nito? ang ganda naman!” maligayang sabi ni Zhavia habang hinahalughog ang isang malaking box.

Kuryoso akong napabaling sa kanya at tiningnan ang hawak niyang papel.

“Monica, yung box mo akin na. Ilalagay kona sa loob.” pag uutos ni Vim.

Nag aatubili akong kunin ang nasabing box ko na ang laman ay mga preloved clothes at mga dati kong mga gamit.

“Ano yan?” kuryosong tanong ni Bianca at dinaluhan narin si Zhavia.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now