Kabanata 33

11 0 0
                                    

"Nasan ka na ba?" Si Isabela sa kabilang linya.

Hinilot ko ang aking sentido at pinagmasdan ang nakatambak na paper works.

Ngumisi si Manang Lucia at inilagay ang kape sa aking study table. "Heto na ang kape niyo, Mam."

Tumango lang ako at bumaling sa aking cellphone. "Hindi ako pwede, marami pa akong tatapusin."

"Ano? Sige na nga, palagi naman." Bakas ang pagkadismaya sa kanyang boses.

Napasinghap ako nang tuluyan na niyang pinatay ang tawag. Sumilip ako sa bintana nang mahagip ng aking tainga ang mga halakhak ng mga teenager.

Lahat sila ay babae at mukhang kasing edad ko lang din. Bakas sa kanilang mga mata ang saya at excitement. Hindi ko maiwasang pumuri sa kanilang suot, mukhang may pupuntahan sila.

Nang dumating ang isang kotse ay kaagad silang pumasok roon at agad rin itong nawala. Babalikan ko na sana ang aking ginagawa nang mahagip ng aking mga mata ang repleksyon ko sa salamin.

I'm twenty two. But I felt like I already missed the half years of my life. Tumayo na ako at nagbihis.

Pagkarating ko sa isang exclusive club ay hindi magkanda ugaga sa pag iikot ang aking mga mata. Ramdam ko rin ang kanilang mapanuring mga mata. Sinuri ko ang aking sarili, naka black skinny jeans ako at isang pink na jacket.

Hinayaan kong bumagsak ang aking buhok at naka hubo't hubad ang aking mga mata. My contact lens really helped me to see everything despite the darkness of this place.

"Monica!" Sigaw ni Grace.

Sinalubong niya ako ng yakap. Tinapik ko ang kanyang balikat at kaagad kong nakita sina Isabela at Paula na nakaupo sa mahabang sofa. Pareho silang hindi makapaniwala. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na nandito ako.

"Mabuti at tinamaan ka pa ng konsensya. Isipin mo, ilang beses kana nga bang nangako na sumama at ilang beses mo naring pinapako ang mga pangako mong iyon?" Si Isabela na ngayon ay halatang may tama na.

Ngumuso si Paula at matalim akong tinitigan. "Oo nga! Ikaw ba talaga yan? Baka double ganger ka ah!"

I rolled my eyes. "Shut up! This is me."

Tumawa si Grace at umiling. "I'm happy you are here, si Jewel nalang ang kulang."

Ilang sandali kaming natahimik.

"How's Ludociel pala?" I asked with full of curiosity.

Sabay kaming bumaling kay Grace na ngayon ay napainom ng juice.

"Uhh.." Nagkamot siya ng ulo. "He's not completely okay. Kahit naman anong gawin niya kung ayaw na talaga ni Jewel, wala na siyang magagawa."

I nodded. "In fact, isinusuka na nga siya ni Jewel. Kahit naman siguro ako, ganon rin ang gagawin ko."

Nasaksihan ko ang pag asim ng mukha ni Grace. Hindi ko intensyong maka offend pero yun naman talaga yung totoo. He betrayed Jewel. Misan naiisip ko, maganda naman siya mabait at responsable and she's one of the strongest person I know.

Pero kahit anong ganda mo, kung hindi siya kontento sayo wala rin.

Pinagsaluhan namin ang dalawang bote ng alak. Nag ugat parin ang aking pwet sa sofa at ganon rin ang aking mga paa sa sahig. Pinagkaitan ko na ang sarili kong gumalaw para hindi ako mahilo. Ayoko ng malasing for pete's sake.

"Ang kati na ng mga paa ko! Sayaw na tayo!" Anyaya ni Isabela.

Mabilis na tumayo si Paula na ngayon ay namumula na. "Let's go!"

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now