Kabanata 35

12 1 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay bumalik na sa normal ang buhay ko. Bukod sa paghingi ng tawad kay Sir Calinawan ay hindi narin ako muling ginulo ni Qing.

Wala na akong balita pa sa kanya dahil hindi narin naman ako active sa social media.

"Congratulations sa ating.. summa cum laude! Monica! Wahhhhh!" Niyugyog ako ni Paula.

Tumawa ako at mabilis na hinapit ang aking bag. Hindi ko maiwasang punahin ang paninitig ng iba pang estudyante sa amin. Yung iba ay ginawaran ako ng mga ngiti yung iba naman ay hanggang tingin lang.

Sabay naming iniwan ang silid at nagsimula ng maglakad palabas ng building.

"You truly deserve it!" Niyakap ako ni Grace.

Sa sobrang saya ko ay hindi ko na kayang makapag salita. Tanging pagngiti nalang ang tinutugon ko sa lahat ng bumati sakin.

Naiisip ko na ngayon kung gaano katuwa sina Mommy at Daddy. Magiging proud na kaya si Lola sakin? Oo naman no! Tinapik ko ang aking balikat at bumuntong hininga. I'm so proud of you, Monica.

Naagaw ang atensyon namin nang dumating si Isabela na ngayon ay nakatitig sa kanyang report card. Binalot ako ng kaba nang nagsimulang namuo ang luha sa kanyang mga mata. Busangot ang kanyang mukha at tila binagsakan ng langit at lupa.

"Anong problema?" I asked.

Palihim na hinawakan ni Grace ang aking kamay. Nagpapawis at nanlalamig narin ang kanyang palad. Nagkatitigan kami at bakas ang kaba sa kanyang mga mata.

"Uyy, san niyo gusto kumain?" Si Paula na may sariling mundo.

Pinandilatan ko siya at binigyan ng tingin na nagsasabing shut up. Kaagad niya namang itinikom ang kanyang bibig at bumaling kay Isabela.

"Pasado ba kayo?" Kuryosong tanong ni Isabela.

Nagkatinginan kaming tatlo at tumango. Bumagsak ang kanyang balikat at binalikan ang kanyang report card.

I cleared my throat. "Ikaw?"

Nag angat siya ng tingin.

Napasinghap ako nang walang ekspresyon ang kanyang mukha. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumili at tumalon talon.

"Pumasa ako! Hahahaha!" She shouted.

Nanlaki ang aking bibig at tumalon talon narin. Niyugyog namin ang isa't isa at sabay sabay na tumili.

"Wahhhh! Akalain mo yun, pumasa ka pa?" Paula laughed.

"Oo nga e, kaya nga hindi ako makapaniwala!" Isabela laughed with tears.

Natigilan ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nagpaalam muna ako sa kanila bago ko sinagot ang tawag. Pinili kong umupo sa bakanteng bleachers sa soccer field.

"Uyy, congratulations!" Maligayang panimula ni Jewel.

Ngumisi ako at tumingala sa langit. "Thank you. Congratulations din sayo. Kailan graduation niyo?"

Pansin kong magulo ang kanyang background. May narinig din akong boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Oh, sorry. Next week pa." She answered.

"Umamin ka nga, anong ginagawa niyo dyan? Sinong kasama mo?" Paulan kong tanong.

Tumawa siya ngunit naririnig ko parin ang boses ng lalaki.

"Nasa school ako. May kausap lang ako ngayon." Pag amin niya.

I nodded. "Sino? Bakit parang may narinig akong umungol?"

Humagalpak siya sa kakatawa pero nanatiling seryoso ang aking mukha.

"Si Scott, my close friend here. Anong umungol? Wala kaya."

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now