P R O L O G U E

1 1 0
                                    

" MAGTINO KA NAMAN KAHIT NGAYON LANG!" buong lakas na sigaw ni Dad sakin. Pero K lang sanay ako.

Professional na to men

"Dad, alam mo namang ganto ako eh. Matino ako sa lagay na to noh."mahinahong ani ko. Saka bumuga ng usok galing sa yosi ko.

"POS DIOS POR SANTO HYARA!! LAGI NALANG GANYAN!! MATINO MATINO PUTANG INA NAMAN!!"galit na galit na sigaw niya sakin.

"Oh Dad pleaseeee tumigil kana oh?? Para nanapak lang ako galit kana agad?? Kasalanan mo yan bumuo ka ng kagaya kong siraulo!"

"ABA! DIOS MIO TALAGA! BAKIT BA KASE KAIL——

Naputol ang dapat na ikukuda ni Dad ng sumabad ang isa sa mga kapatid kong si Hianxi.

" Dad!! Si mom tumatawag!!" Sigaw niya saaming dalawa. Napatayo naman si Dad at dali daling pumunta sa telepono at nangangatal na sinagot ito.

Yan si Dad. Matapang kapag wala si Mom, takot yan kay Mom eh, under masyado.

Tumayo ako muna ako mula sa pagkaupo sa sofa ko at naglakad papuntang garden.

Sumalubong ang masarap na simoy ng hangin sa balat ko ng makalabas ako sa bahay namin.

Ahhhh peace men peace...

Dito ang tambayan ko kapag wala akong ginagawa.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako pinagalitan ni Dad. Ganito kase yan.

Nanapak ako ng classmates ko dahil  
inaasar ako dahil sa kulay ko,kulay ng mga mata ko at kulay ng buhok ko.

Meron akong sakit sa katawan na walang anumang lunas.

Ang kanang mata ko ay kulay kahel na may berde-berde ang paligid.

Ang kaliwang mata ko ay purong  berde.

Ang kulay ng buhok ko ay kulay lupa na may puting strands na parang uban.

Ang balat ko ay maputla.

Bata pa lang ako binubuyo ako ng mga bata diyan sa tabi tabi dahil sa abnormal kong katawan. Pero hanggang ngayon ay nagagalit parin ako dahil dun. Haysss mahirap pigilan ang tukso'ng manapak.

Uupo na sana ako sa damuhan ng tawagin ako ni Hianxi.

"Ate, punta ka daw sa library sabi ni Dad."inosente niyang sabi sa akin.

Hindi tulad ko normal si Hianxi.

Tumayo na ako at dumeretso sa library namin dito sa bahay.

Pero syempre mag iisip ako kung bakit pinatawag ako ni Dad. Baka parusahan ako ng bitay nun.

Hindi na ako nag-abalang kumatok pagkarating ko sa library ay pumasok agad ako.

Naabutan kong nagsusulat si Dad ng kung ano sa libro niya, habang nakasuot ang salamin niya para sa mata. At  nagkukulangot pa siya.

Dugyot!

"Don't you know how to knock??" inis niyang tanong sakin. Naglakad ako para umupo sa single sofa bago sumagot.

"Don't you know how to lock?" Balik na tanong ko sa kaniya. Kinalikot ko ang kuko ko bago pinitik ang dumi na nakuha ko. Dugyot rin tayo.

Maya-maya ay narinig ko siyang bumuntong-hininga ng malalim.

Tapos ay bumuntong hininga ulit siya.

Naulit pa iyon ng isang beses kaya naasar ako.

"Dad, tigilan mo ang kakabuntong hininga mo diyan. Para kang kambing!!" Inis kong puna sa ginagawa niya.

"Wala akong oras para sa kalokohan mo. Hyara, makinig ka. May utos ang Mom mo na hindi mo dapat hindian o tatanggihan."halatang kabadong saad ni Dad. Pati tuloy ako ay kinakabahan.

Pinatapang ko muna yung itsura ko bago sumagot.

"Ano naman yun Dad?"

"K-Kailangan mong umuwi ng Hacienda De Caballeros sa lalong madaling panahon. Utos ng inyong Lola Biliene." seryosong ani ni Dad  na nagpagulo sa isipan ko.

Si Lola Biliene ay nanay ni Mom. At hindi yun magbibigay ng utos kung walang mabigat na dahilan.

Natahimik muna ako sa matagal na sandali bago ko naisipang sumagot.

"Bakit daw??As in ngayon na??"

"Oo nga ngayon na daw!"

"Oh eh bat' galit ka??"

"Hind—lintik! Mag-impake ka na nga lang doon!Bukas ay babyahe kana papunta sa Hacienda De Caballeros!".inis niyang tugon sa pang aasar ko sa kaniya.

"K.".ngisi-ngising tugon ko sa kaniya bago naglakad paalis sa library.

Exciting!

Exciting kase makakabonding ko ulit yung mga pinsan kong mga bonak.

Mas close ako sa mga pinsan ko sa Mother side kesa sa father side. Wala lang trip ko lang.

Ano na kayang hitsura ng Hacienda De Caballeros?? Hmmm....ganun parin kaya? Di bali pupunta rin naman ako dun bukas ng umga.

Hindi ko muna pro-problemahin yung hinala ko sa utos ni Lola Biliene.

Pabor sakin yung utos na yon dahil bakasyon naman kaya makakabakasyon ako sa probinsya namin.

Ilang taon narin nung huli kong punta roon. Hmm?3 or 4 years i guess?

Hayss sana naman hindi mabigat yung dahilan kung bakit pinagmamadali akong pauwiin ni Lola Biliene sa probinsya.

Hindi ko namalayang nasa hagdanan na pala ako paakyat sa kwarto ko.

Nadaanan ko pa yung mga kwarto ng mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid. Ako ang panganay, kasunod ko ay si Hyistrea, kasunod niya ay si Hianxi at ang bunso na nag iisang lalaki ay si Huzel Rui.

Hindi gaya kong may abnormal na katawan, normal sila. UNIQUE KASE AKO.

Umiling iling ako. Bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko.
At nag empake gaya ng sinabi ng Ama ko.

Habang nakahiga sa kama ay naiisip ko si Minzie. Isa siya sa mga pinsan ko na taga Hacienda De Caballeros. Pero Chinese ang papa niya, ang mama niya ang pinsan ni mama.

Si Minzie ay masiyahin at laging nakangiti. Puro kalokohan ang nasa isip pero kapag talino ang pag uusapan sa kaniya ang boto ko. Kahit naman siraulo yun eh sobrang talino. Mas matanda ako sa kaniya ng 2 years pero bobo ako ಥ‿ಥ

So, anyway highway in the rainy day

My name is Hyara Shin Fuentes Caballero.

Her Savage WayWhere stories live. Discover now