O N E

1 1 0
                                    

HACIENDA DE CABALLEROS

Halos mapanganga ako sa nadatnan ko sa Hacienda namin!

Shuta ang ganda ganda talaga neto!

Andaming nagbago. Puro puno at mga bulaklak. Simentado na ang daan mas dumami ang mga bahay at mga tao dito.

Nakasakay ako ngayon dito sa motorbike ko. Halos lahat ay napapatingin sakin dahil hindi naman nila makita yung mukha ko dahil sa helmet ko.

Dahil narin sa nagbago nga halos lahat dito eh hindi ko na matandaan ang daan papunta doon.

Kaya pumarada muna ako bago seninyasan ang isa mga marites na nakatingin sakin agad naman siya lumapit sakin sumunod pa yung mga abubot niya.

"Asan na po yung daan papunta sa Hacienda De Caballeros??"agap kong tanong sa kanila. Nameywang ang isa kanila kapansin pansin ang suot netong bunny headban na color pink.
Habang ang dalawa naman ay meron suot na curls.

Tinaasan nila ako ng kilay pero hindi ako gumalaw nakatingin lang ako sa kanila. Hinihintay ang sagot mula sa kanila.

"Aba'y bago ka ba rito??" tanong ni aling bunny. Yan nalang name niya.

"Mukha kang bakasyunista ineng."saad pa ni aleng 2.

"Ang ganda pa ng motor mo!". saad din ni aleng 3.

Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi nila.

"Asan na po yung daan papuntang Hacienda De Caballeros??".ulit ko sa tanung ko kanina. Dahil iyon naman talaga ang tanung ko pero andami na nilang nasabi hayz juice colored.

"Aba!! Ang yabang mo ah!! Hindi porket maganda iyang suot at mga gamit mo at mukha kang yayamanin eh babastusin mo na kami!". Napakunot ang noo ko sa sinabi neto. Like duh?? Inulit ko lang yung tanung ko mayabang na agad??

Madami pa siya sinabi sabi kaya nakakuha kami na atensyon sa mga mata ng tao rito.

Sa inis ko inistart ko yung motorbike ko at binabarurot ko iyon paalis habang kumukuda siya. Sigurado akong nakalanghap siya ng usok dahil sa ginawa ko.

Pero makalipas ang ilang minuto ay hindi ko parin maalala kung saan ang daan papunta sa Hacienda.

Naiinis na nga ako sa mga chismosa kanina tapos hindi ko pa mahanap yang pisteng Hacienda.

"Piste!"

Inis kong nilabas ang cellphone ko para tawagan si Atarah. Kaibigan ko na dito nakatira.

Ilang ring bago yun nasagot.

"Bitch, bakit ang tagal mong sagutin??!"agad kong singhal sa kaniya.

"Bitch ka rin kumakain ako eh!''. sabi niya na rinig na rinig ko pa ang pagnguya niya sa kabilang linya ng telepono.

"Aisshhh! Naliligaw ako! Hindi ko mahanap yung daan papunta sa Hacienda namin!!".sigaw ko sa kaniya pero tuloy parin siya sa panguya. Patay gutom talaga!

Kinalma ko muna yung sarili ko bago hinintay na matapos siyang kumain.

After 282037463882900001847478890000 yearssssss...

"Send ko sayo location ko." yun lang at pinatay niya na ang tawag.

Shuta ka talaga Atarah.

BUMUSINA AKO sa harap ng berdeng gate ng aming Hacienda. Agad akong pinagbuksan ng guard doon na si Mang Lucio.

"Pumunta na daw po kayo sa loob dahil kanina pa daw po kayo hinihintay ng Senyora Biliene."tumango lang ako sa kaniya bago pinaharurot ang motor ko papasok sa loob.

Maangas kong tinanggal ang helmet ko bago kinuha ang mga gamit ko. Pagkapasok ko palang sa loob ay kinuha agad ng mga maid yung gamit ko at dineretso sa kwarto ko dito.

"Maligayang pagbabalik, senyora H"

Napangisi ako sa bruskong boses na nanggaling sa likuran ko. Dahan dahan akong humarap sa kaniya at.............

"Hayaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!"

Kaliwa't kanang sipaan at suntukan ang makikita mo sa dining area ng mansion dahil saamin ni Atarah.

Halos magsigawan ang mga maid at butlers pero tuloy parin kami sa pagbabardagulan ni Atarah.

Hanggang sa hindi niya nailagan ang suntok ko't deretsong tumama iyon sa mukha niya na ikinatumba niya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAAHHAAHHA!" malakas kong tawa sa panget ng pagkabagsak niya!

Desrv🙄

Inis niyang pinunasan ang labi niya may dugo at dali-daling tumayo.

Kala mo ha.

"Ehhhhh!!! Bakit naman sa mukha mo pa ako sinuntok??!! King ina mo!". Mangiyak-ngiyak niyang reklamo habang hinahawakan ang pasa niya sa gilid ng labi.

"Miss you too, bitch." Yun lang at tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad papasok sa dati kong kwarto rito.

Pagkapasok ko ay wala parin pinagbago. Puti,itim at gray ang makikita mong kulay sa loob.

Nakita ko ring nakaayos na ang mga gamit ko sa loob ng kabinet at iba pang mga gamit ko.

Mabilis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama kong malambot parin at nagulog.

Her Savage WayWhere stories live. Discover now