HARANA

3 1 0
                                    

Nakabarong ang kalalakihan
Hanggang sa kahit ano nang damit nung kalaunan
Sa gabi'y tatahakin ang mahabang kalsada
Makita lang ang dalaga na nakadungaw sa bintana

Minsa'y binabato ang bubong ng bahay ng dalaga
O di kaya'y agad na sisimulan ang kanta
Kasama ang ilang barakadang sumsuporta
At ang tugtog na nagmumula sa gitara.

Sisimulan ang kanta
Hanggang sa dalaga'y dudungaw na sa binta
Makikita ang saya habang pinagpapatuloy ang harana
Minsan pati kapitbahay ay magigising dahil sa ingay ng gitara.

Papatuluyin habang may dalang regalo
Tsokolate at rosas na mabango
Minsan kayo'y mag uusap habang magulang ay nasa harapan
At minsan din kayo ay papabayaan.

Isang kaugalian ng pilipino noon pa
Pagpapakita ng pagmamahal sa dalaga at respeto narin sa ama't ina
At pagpapakita na walang masamang hangarin ang binata sa kanilang dalaga.
Isang harana, harana na ngayon ay unti unti nang nawawala

Sabihin man ng iba ang ganitong pamamaraan
Ay luma na para sa ganitong panahon at kabataan.
May mga dalaga paring gustong maranasan
Ang isang paraan ng panliligaw noong nakaraan.

༄Open for criticism.
༄ Open for dedications.

Ps. Sorry for typos
Photo not mine.

KATHA NI ELAWhere stories live. Discover now