Pano ko nga ba 'to aaminin?
Lalo na't alam kong puso mo ay iba ang hiling.
Pano ko nga ba 'to sasabihin?
Kung pinaparamdam na hanggang kaibigan lang ang turing.Gustong -gusto ko na sabihin lahat ng 'to
Pero ramdam ko yung sobrang takot sa aking puso
Yung takot na baka biglaan kang lumayo
At ang pagkakaibigan natin ay bigla nalang humintoSiguro mas mabuti ang kung ano tayo ngayon.
Magiging masaya nalang kahit sa iba ka nakatingin.
Magiging masaya kahit na dulot sa akin ay sakit.
Basta't ang mahalaga ay manatili ka sa aking malapit.-kai-
YOU ARE READING
KATHA NI ELA
PoetryPoems about family, love, self and others that will make you realize some things about life.