ARAW NG MGA PUSO

2 0 0
                                    

Araw na naman ng mga puso
Nais kong kumustahin ang bawat isa sa inyo
Nais kong malaman kung may kaniya kaniya nabang plano?
May ka date na ba lahat o ika'y nananatiling nagsosolo?

Sa araw ng mga puso may mga magjowa na kung maglandian ay wala nang bukas
Kung kumapit sa kaniyang karelasyon ay wagas
May pabigay bigay pa ng lobong hugis puso at boquet ng roses
Representasyon daw ng kanilang puso at pag ibig.

Kung aksidenteng matusok ang lobo, ano ang nais ipahiwatig?
Kapag roses ay malanta, malalanta na rin ba ang pagmamahal na nabanggit?
Kapag bulaklak naman ay plastic
Nagtatagal nga ngunit totoo ba o gaya din ng plastic?

Ngayong araw ng mga puso
May mga luha na sa mata'y tumutulo
Dahil tuluyan nang iniwan ng taong mahal niya dahil sa ibang tao
O di kaya'y tuluyang nang sumama sa may likha at tinalikuran ang mundo.

Pero may mga taong naghihintay at maghihintay pa din.
Kahit mahal nila ay walang kasiguraduhan na babalik.
Mga taong nagmamahal kahit sobra na yung nararamdamang sakit.
Dahil kahit kailan di na sila mamahalin pabalik.

Mga taong kahit sa chat lang ay kinikilig
Mga banat na corny na kulang nalang lagyan ng cheese
Nangakong ikaw lang ang bet
Pero pang lima ka na palang kabet.

Sa araw na ito ay di mawawala ang mga team bitter
Na ang pambansang line ay "walang forever"
Pero deep inside ay "sana all may partner."

May mga tao ring piniling maging single
Pabayaan ang lovelife at unahin ang career
Minsan naman sila daw ay study first
O sadyang ayaw lang talaga nila maranasan ang heartbreak.

Ngayong araw ng mga puso
Kahit saan kaman sa mga nabanggit ko
Gusto ko lang sabihin na karapat dapat kang mahalin ng totoo
At hindi ka mahirap mahalin gaya ng sinasabi ng ibang tao.

May kaniya kaniyang pupuntahan
May kaniya kaniyang plano
May kasama ka man o wala ngayong araw ng mga puso
Nais ko lang sabihing HAPPY VALENTINES sa inyo.

-kai-

KATHA NI ELAWhere stories live. Discover now