AKO NALANG ULIT

0 0 0
                                    


Ilang buwan na ba?
Mula ng ikaw at ako ay di na nag usap pa.
Ilang buwan na ba?
Mula ng tinapos ang relasyon nating dalawa.

Ilang buwan na ang lumipas
Mula nang di mo na ako kinausap
Pero ikaw parin ang aking hanap hanap
Ikaw parin ang siyang laman ng puso't isipan

Mali bang hingin kong ako nalang ulit?
Kahit na ako naman ang unang bumitaw sa pagkakapit.
Mali bang hinging tayo nalang ulit?
Kahit na ako mismo yung gumustong  lumaya mula sa iyong mga bisig.

Ang tanong ng iilan ay kung bakit kita pinakawalan.
Pagkakaroon ng walang oras isa yun sa mga dahilan.
Alam ko namang marami kang ginagawa
Pero mali bang humingi ako ng isang oras o higit pa?

Mula kasi ng maging tayo ay parang nag iba ka.
Minsan ka na nga lang magparamdam ay bigla kapang nawawala
Kani-kanina lang ay kausap ka pa
Tapos ilang minuto lang ay di na kita mahagilap pa.

Alam kong nasaktan ka
Noong bumungad sa iyo ang katagang "ayoko na."
"Relasyon ay tapusin na."
At hindi na kita hinintay pa kung papayag ba.

Pero ako'y sising sisi
Ng iwan kita sa isang tabi
Sana pala ay natuto akong maghintay
Kahit na gaano katagal na hindi ko nahawakan ang iyong mga kamay.

Alam ko mang malabo
Nanatili akong umaasa at sana ay hindi mabigo
Na pumayag at yakapin ako ulit
At huwag nang pakawalan pa sa iyong mga bisig.

Kahit na malabo
Kahit na di siguradong sasagutin mo ako ng "oo".
Nais ko paring tanungin ito sa iyo.
Pwede bang ako nalang? Pwede bang ako nalang ulit?

-kai-

KATHA NI ELAWhere stories live. Discover now