[ 013 ]

207 31 40
                                    

[ 013 ]

🌱 @sophiaflowers
:(

🌱 @sophiaflowers
hindi ko na siya ulit nakita
| 🍄 @galeofgale replied:
sino?
| replying to @galeofgale:
si picnic girl ☹️

———

gale

4:00 pm

gale
busy ka?

sophia
hindi naman
nakahiga lang ako
kapagod mag-PE 😢

gale
ah oki
tapos wala namang hw no?

sophia
waley
yung sa TLE lang
pero sa monday pa naman ipapasa
bakit pala?

gale
tara? balik tayong ilog

sophia
hala
ngayon na?

gale
oo
malay mo nandun yung crush mo

sophia
HALA KA
ANONG CRUSH

gale
asus
deny pa

sophia
di ko crush yun huy!!
na-curious lang ako
ang ganda kasi nung picnic niya
ang ganda din nung ribbon na suot niya
tapos yung painting din niya

gale
alam mo
kulang na lang sabihin mong maganda siya

sophia
HINDI KO NGA KASI CRUSH YUN

gale
ok
so ano, punta na tayo?
ang hangin din sa labas, gusto ko maglakad-lakad

sophia
okay pero hindi ko talaga crush yun ha

gale
oo na nga
tapos hindi rin crush ni chard si sarah
at hindi rin blue ang langit

sophia
NAKAKAINIS

gale
HAHAHAHAHAHA

———

🍄 @galeofgale
on the way para kitain ang crush ni sophi
| 🌱 @sophiaflowers replied:
ANO BA GALE DELETE MO NGA YAN 😡
| 🤖 @superichard replied to all:
sophi may crush ka na????
| 🌱 @sophiaflowers replied to all:
SABING WALA NGA!!!
| 🤖 @superichard replied:
ngayon ko lang tinanong eh 😢

🍄 @galeofgale
punta ka na sa kubo ngayon @superichard
| 🤖 @superichard replied:
nandyan kayo ni sophi?
| replying to @superichard:
oo, sinama ko din yung crush mo
| 🤖 @superichard replied:
HA ANONG CRUSH WALA KONG GANUN????

🍄 @galeofgale
ako pa niloko nyong dalawa 😆

Picnics by the RiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon