[ 017 ]

188 27 41
                                    

[ 017 ]

gale

11:48 am

gale
okay lang yan sophi :(
punta na lang ulit tayo sa susunod

sophia
😔
naisip ko kanina baka naiistorbo ko lang siya
tapos nalungkot na ko

gale
hindi yan
wala naman siyang sinabing ganyan
malamang nahihiya lang yun
subukan na lang ulit natin sa susunod

sophia
pero pano :(
hindi ko alam kailan ulit sya pupunta
hindi ko din naman natanong

gale
e di sisilip tayo araw-araw
magtatanong din ako kina aling rose
marami silang nag-iikot lang dun
pag may nakita sila, sasabihan kita agad

sophia
huhu okay
thank u gale ☹️

gale
wag ka na malungkot

sophia
okay hindi na
pero gale
ang ganda niya talaga no?

gale
oo
kahit gilid lang din ng mukha nakita ko
ang ganda nga

sophia
do you like girls too?

gale
oo?

sophia
HALA

gale
hala baket
hindi mo pala alam?

sophia
HINDI 😭

gale
hahaha
gusto ko din 😆

sophia
mababalik ko na pala sayo eh

gale
ang ano

sophia
GALE BADING

gale
HAHAHAHHAHAHA KAINIS

sophia
nakaganti na 'ko 😈
pero teka
may crush ka ba?

gale
meron

sophia
SINO

gale
secret lang ah

sophia
OO

gale
hahaha
si annika

sophia
hala si annika sungit
ay hindi pala siya masungit

gale
hahaha
masungit nga yun
pero

sophia
pero??

gale
ang cute niya magsungit
parang mas gusto ko pa siyang inisin

sophia
NAKO
ba't kinilig ako 😭

gale
hahahaha

sophia
ay ba't di din natin siya ayain sa ilog??

gale
ayaw niya
mainit daw
arte yun eh

sophia
😭
!!! ayun na mission mo

gale
ha anong mission

sophia
mapasama si annika hahaha
tapos yung akin makausap pa si picnic girl

gale
hahaha hindi
ang sayo, malaman pangalan ni picnic girl

sophia
deal! 😤

gale
game na game oh hahaha
kanina lugmok ka pa eh 🤣

sophia
ginanahan ako nung nalaman ko yung crush mo eh huhu

gale
you're welcome HAHAHA

sophia
picnic girl !!!
i'm coming for you 😤

gale
HAHAHAHAHAHA NAKS

Picnics by the RiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon