118

52 2 0
                                    

HANNAH POV

Pagkaalis ko ng bahay ni Trixie ay umuwi na ako, nang makahiga ako puro nalang ang nasa isip ko ay 'yung sinabi sakin ni Trixie kanina, kung may anak si Kuya, bakit hindi manlang siya nagsabi sakin na may nawawala pala siyang anak.

Bigla akong napatayo ng may bigla sumigaw Mula sa labas ng kwarto ko pero hindi ko alam kung sa labas, parang sa baba, dali dali akong pumunta sa baba para tignan ito at ngayon andun silang lahat na mukhang may good news.

"Mom thank you sobra!"

"Anak diba sinabi ko naman sayo"

"Huwag muna kayong mag-celebrate, may nakakita palang naman sa isang baby niyo kaya baka hindi pa iyun tuloy" singit naman ni Dad.

"I know Dad pero gusto ko na talagang mayakap 'yung isa kong anak"

Pinapanood ko lang silang nagkakasiyahan sa sala, napaisip ako na kung hindi sinabi sakin ni Kuya, Wala siguro siyang mahihita sakin, pero sana naman sinabi nila sakin na may nawawala silang anak.

Hindi ako invited sa kasal ni Kuya, hindi ko alam na may anak sila at mas lalong wala akong alam na may nawawala silang anak.

Nagsisisi na akong pumunta pa ng Korea para dun pagtapos ng pag-aaral, nagsisisi na ako sa lahat ng mga nangyayari sakin, feel ko wala akong kwenta sa mga bagay na nagaganap dito sa bahay.

Pinunasan ko ang luhang tumulo na naman sa pisngi ko at humiga nalang pero napaupo ulit ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

[Hello Madam!] Sigaw ni Trixie sa kabilang linya.

"Bakit? Magpapahinga na ako Trixie"

[Madam huwag muna kasi importante ito]

"Oh ano?"

[Remember 'yung pinapagawa mong bahay sa bagong village at malapit lang dito sa bahay]

"Oo nga 'no, ano na ganap dun?"

[Madam good news tapos na at napabasbasan narin, pwede na kayong manirahan sa palasyo niyong walang Hari]

Pasmado talaga bibig neto.

"Sige bukas lilipat na ako dun"

[Sige Madam, call nalang kita kung may ulat-]

"Hoy Trixie diba sinabi ko sayo mag paghinga ka!"

[Oo nga po pero wala akong magawa dito sa bahay eh saka tawag-tawag na nga lang ginagawa ko para maging maayos din trabaho ko sayo]

"Oo na! Oo na! Wala naman akong magagawa"

[Yehey!] Sigaw nito na parang bata, pinatay ko nalang ang tawag namin dahil baka murahin ko pa 'yung buntis.

Nag-unat ako ng katawan at kumuha ng damit para pamalit sa suot ko ngayon, pagkatapos kong magpalit kinuha ko lahat ng maleta ko at nagimpaki para sa mga paglilipat ko ng bahay.

"A-ate"

Napatingin ako kung kaninong boses ang nagsalita at saktong si Thalia ang nakita ko, nakahawak lang siya sa doorknub habang nakatingin sakin.

"...Ate aalis ka ulit? Kala ko ba hindi na?"

Lumapit ako sakanya at hinawakan nalang ang doornub na pasok sa loob ng kwarto. "Thalia hindi ako aalis lilipat lang ako-"

"Sama ako"

"Hindi pwede Thalia, masaya sila dito na kahit wala ako-"

"Pero paano ako, wala na naman akong kakampi dito" kangusong pagpuputol niya sakin.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now