124

57 5 0
                                    

HANNAH POV

"Ate sorry na hindi ko sinabi sayo" pagmamakaawa niya.

"Ayus lang, dapat kasi sinabi mo sakin" turo ko kay Hazel.

Hindi ko naman siya sinisisi pero hindi kasi pwedeng mapabayaan si Zin dahil baka kung anong mangyari sakanya, lalo na ay minsan napapahamak pa ito.

"Malay ko, si Celeste ang pumunta dun sa cebu tapos hinila lang nila ako pasakay sa kotse, tapos pagkagising ko andito na ako" sagot niya.

Tumingin ako kay Celeste pero napansin ng mata ko ay si Lance, hindi ko alam pero parang umiinit mukha ko, naalala ko na naman 'yung ginawa kong katarantaduhan kagabi.

"Ayiiiieeeeee!!!" Sigaw ng mga ito.

"Ahy ahy ahy eye contact yarn" pangaasar ni Zin.

"Tumigil ka!"

Accidentally.

"Wuushhoooo same sila ng Iniisip, same din sila ng nararamdaman"

Kapatid ba talaga kita o ano.

"Oo tapos sabi ni Ate Danica magkatabi daw silang natulog" kinikilig na sabi ni Celeste.

So ibig sabihin si Lance 'yung nahulog sa kama nung nagising ako. Wtf.

"Hoy Ikaw Ate Hazel wala kang sasabihin?" Siniko ni Zin si Hazel na mukhang walang interest sa mga pinaguusapan ng tatlo.

"Wala" sagot niya at nakatingin padin sa cellphone nito.

Napayuko ako dahil sa iniisip ko, masyado ngang totoo ang sinabi ni Trixie na magkamukha kami at magkaugali, pero hindi ko pinaniwalaan sinabi nito.

"Aalis na ako" paalam ko sakanila dahil baka kung ano pang masabi ko.

"Teka san ka pupunta Ate?" Pigil sakin ni Thalia

"Sa hotel, dun muna ako matutulog-"

"Dito nalang" pagputol sakin ni Thalia.

Kapatid kita, oo pero tangina hindi ko na kaya ang mahiya kay Lance.

"Actually Ate wala ng vacant room dito pero pwede ding sa kwarto ni Kuya"

Put-ayoko magmura. Ayoko magmura, dahil kapatid ko 'yan, oo, Tama kapatid ko nga ito.

"Ano?" Singit ni Lance.

"Hindi pwede-"

"Pwede 'yan!" Sigaw ni Celeste.

Hindi ko alam pero parang walang magawa si Lance kapag si Celeste na ang nagsabi.

"Oo nga tama si Zin Ate, kesa naman sa hotel ka magisa ka dun tapos kami dito-" pagsangayun ni Thalia

"Fine! Dito na siya!" Sigaw na naman ni Lance.

"Yiiieeee consern si future husband" pangaasar ng tatlo.

Pinaupo nila ako dito pagkatapos magwalk out ni Lance.

"Ate na miss kita!" Sigaw ni Celeste at yinakap ako.

Hindi na ako makahinga kaya buti nalang at dumating si Louise kasama 'yung batang buhat niya.

"Oh Hannah, buti na punta ka dito" bungad niya.

"Oo dahil dito kay Zin, hindi manlang nagpaalam bago pumunta kung saan-saan"

"Hayaan mo na matanda nayan"

"Sino 'yang batang 'yan?" Turo ko dun sa batang inosenteng pinapanood ako.

"Ahh anak ko, si Sam, Sam mag-hi ka kay Ninang Hannah-"

"Ninang! Woy hindi ko nga alam na may anak ka tapos may inaanak ako sayo!" Gulat na sigaw ko.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now