127

50 2 0
                                    

HANNAH POV

Nakauwi narin ako at biglang tumawag itong si Micah, birthday daw ng mga kambal, medyo inaantok pa ako pero biglang nagsalita si Sienna sa kabilang linya kaya nagpromise akong pupunta ako.

Nakauwi narin si Trixie kanina lang, nagayos muna ako at binilin ko sa mga maid na hindi ako uuwi ngayon, nag-drive lang ako papunta dun sa bahay at ng makababa ako ay sumalubong sakin si Sienna na magisa niya lang sa labas ng bahay.

"Tita Mommy!" Sigaw niya at yumakap naman ito saakin. "Na miss po kita" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Ang sarap naman ng kiss ng batang ito, Isa pa nga" hinalikan niya ang Ilang beses at yinakap ko ulit siya. "Na miss din kita baby ko"

"Nagaantay po sila dun sa loob" Sabi niya kaya binuhat ko ito at pumasok na kami sa loob.

Pumunta kami sa likod ng bahay dahil andun daw silang lahat, nakita ko silang nagaayos na ng mga lamesa at mga upuan, pumasok kami ng bahay dahil medyo maaraw pa pero palubog narin ito, nakita ko si Nathalie na tumatawa dahil dito kay Nathan.

"Kuya! Sabi kasi dito oh!"

"Ayoko nga 'yan!"

Tumatawalang sila at tumingin ako kay Sienna na nakatingin lang sakanila, hinamplos ko ang buhok niya at ngumiti naman ito saakin.

"Oh your here now" bungad sakin ni Kuya.

"Mmm" tumango ako at umupo sa isang upuan.

"Tita Mommy, na miss po kita, bakit po tagal niyong bumisita dito, ala po akong kalaro"

"May ginagawa kasi si Tita Mommy kaya ngayon lang ako nakapunta dito"

"Pwede po sama nalang po ulit ako sainyo?" Inosente itong nakatingin lang saakin.

"Bakit? Hindi ba maganda dito? Kasama mo pa magulang mo oh"

"Oo nga po pero lagi po silang wala dito, eh kayo po sinasama niyo pa po ako sa trabaho niyo, sila hindi"

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinatingin sakin. "Diba sabi mo gusto mo ng makasama sila Kuya at Micah, lalo na sila ang magulang mo at hindi ako"

"Gusto ko nga po pero hindi ko po kasi makita kung gusto po din nila akong kasama, kapag gusto ko naman po silang kayakapa andyan po si Ate Nathalie na yumakap kay Daddy tapos si Kuya Nathan naman kay Mommy kaya ala po akong kayakap, kayo po lagi niyo din po akong niyakap bago matulog, kaya sama na po ulit ako sainyo"

Marahan lang akong nakikinig sakanya at kita ko sa mata niyang pinipigilan niya lang na umiyak. "Hindi ko alam eh pero gagawa ako ng paraan, okay at-"

"Tita Hannah na miss po kita!" Sigaw ni Nathalie.

Umalis si Sienna sa pagkakandong ko sakanya at umupo sa tabi ko, tumingin ako sakanya at mukhang binigyan niya ng space si Nathalie para makayakap sakin, hindi ko alam kung sino uunahin ko pero naaawa naman ako kay Sienna.

"Hello Nathalie, happy birthday" bati ko.

"Thank you po Tita" kangiti itong tumingin sakin pero ng kay Sienna na ay nawala ang ngiti niya at tinalikuran kami.

"Happy birthday baby ko" pagbati ko at dun lang siya ngumiti.

"Thank you po Tita Mommy" humalik na naman ito sa pisngi ko.

Ilang oras ang nakalipas at naguumpisa na silang kumanta at magpalaro ng kung ano ano, hindi ko alam pero mukhang ayaw talaga ni Sienna na kasama si Nathalie, maayos naman siya kay Nathan pero pagdating Kay Nathalie ay mukhang ayaw nila ang isa't Isa.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now