Kabanata 2

71 8 0
                                    

Kabanata 2

Jess's POV

Isa na yata sa pinaka dahilan kung bakit parumi nang parumi ang pulitika sa bansa ay ang political dynasty--kung saan involved dito ang mga traditional political families. Political clans. Ang kapangyarihan sa pagkakaupo sa puwesto ay naipapasa mula sa iba't-ibang henerasyon ng pamilya. Kung saan tila nagiging personal property ang public service.

Sa datos na nailabas, patuloy na lumalago ang political dynasty sa bansa. Noong 2013 mid-term national elections, namayagpag ang political dynasty sa 80 provinces sa bansa. May mga variants din ang political dynasty: rent-seeking, political violence, bossism, electoral politics and networks. At dahil sa maraming klase ng political dynasty, nagiging dahilan ito nang paulit-ulit na epekto sa bansa at sa mga Pilipino gaya ng kahirapan at underdevelopment, political and socio-economic inequality at malawakang korapsyon sa bansa.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ang marami na maipasa ang anti-political dynasty bill sa bansa at kung saka-sakaling maipasa ito, makikita nang marami ang magiging pagkakaiba ng gobyernong pinamumugaran ng mga magka-kamag-anak at ang gobyernong walang bahid ng political dynasty.

Pero ang malinaw sa ngayon ay nanatili pa ring hamon at walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang political dynasty sa bansa.

Tutok na tutok ang mga mata ko sa pinapanood kong local documentary ngayong gabi. By next week ay umpisa na ng campaign period kaya doble trabaho ang gagawin ko hanggang sumapit ang araw ng eleksyon. Last year, naging busy ako sa pagre-report at pagsusulat patungkol sa pagfa-file ng Certificate of Candidacy ng mga pulitikong nagnanais tumakbo sa darating na eleksyon. At bilang isang journalist, pitong taon ko nang nakikita ang paulit-ulit na kalakaran tuwing eleksyon.

Political dynasty. Padrino system. Patronage politics. Vote-buying. Political drama.

Sa tuwing nagsusulat ako ng balita tungkol sa pulitika, palagi kong pinapakinggan ang magkabilang panig. Sinusukat ko ang magkabilang kampo. Pero sa totoo lang, marunong akong kumilatis ng pulitikong may pakialam sa bayan at pulitikong gusto lang makasungkit ng puwesto sa gobyerno.

At 'yong mga bagay na napapansin ko sa mga pulitiko, madalas ay sinasarili ko na lang. Dahil kailangan kong maging professional sa larangan ng trabaho ko. Pero ang kagandahan sa journalism, kapag harap-harapan nang pinapakita ng isang pulitiko ang kabaluktutan niya sa publiko, hindi kami magdadalawang-isip na isulat ang mga nakita namin para malaman ng madla.

Hindi para ipahiya sila. Hindi para siraan. Hindi para dumihan ang pangalan nila. Trabaho lang. Walang halong personalan. Katotohanan lang. Walang labis, walang kulang.

Hindi ko rin naman p'wedeng sabihin na lahat kaming journalists ay nasa malinis na daan. Nandiyan ang tinatawag na yellow journalism. Kung saan tumatanggap ng lagay ang isang journalist mula sa pulitiko kapalit nang pagsusulat ng mga articles sa diyaryo na pabor sa pulitiko. May mga iilang journalists na nasa ganoong klase ng trabaho. At 'yon ang masaklap. 'Yong may alam sila sa kalakaran ng media at impluwensiya nito sa marami pero pinipili nilang abusuhin ang kaalaman nila sa media para manloko ng ibang tao. Dahil sa darating na eleksyon, nagkalat ang disinformation online.

Sa Facebook. Sa TikTok. Sa YouTube.

At dahil walang authorities na nagfi-filter o sumasala at walang policies na sinusunod sa pag-a-upload ng information online, talamak ang mga vloggers at macro influencers na walang alam sa pagde-deliver ng balita. Nagtatagumpay na sila. Mula sa pag-i-inject sa mga netizens na biased ang media at journalists hanggang sa iilan na lang ang naniniwala sa amin.

Tuwing eleksyon yata, kaming mga journalists ang puntirya ng mga netizens. At sa ganitong pagkakataon din ako nakakatanggap ng mga death threats at rape threats mula sa dummy at troll accounts.

Nights of DisquietWhere stories live. Discover now