Chapter 1

1.8K 73 54
                                    

This novel is work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

***

Crush

"Hello?"

"Ate! Ako ito 'yung kapatid mo!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ate? Kapatid? Nakakapagtaka. Pero agad din naman iyong nawala nang marinig ko ang hikbi niya sa kabilang linya.

"Ate.. kailangan ko kasi ng pera.. pwede mo ba akong padalhan?"

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nai-text niya ang number niya sa gcash. Mabilis akong nagpadala sa kanya ng pera. Shit. Baon ko pa ang pinadala ko. Pero ayos lang, natulungan ko naman siya. Iyon ang mahalaga.


Maliit na halaga lang 'yon pero sana naman ay nakatulong ako sa kapatid ko.. kapatid.. Kapatid? Teka, may kapatid ba ako?!

That's when I realized, only child nga pala ako! Gusto kong maiyak dahil pang-ilang beses na itong na-scam ako. Bakit ba kasi ganito ako? Bakit ba kasi ang bilis kong maniwala?


Hindi naman ako tanga. Talagang feeling ko lang lahat ng tao ay tapat. Mabilis akong maniwala, gano'n. Wala kasi akong trust issue, well, slight. Pero hindi siya literally good thing para sa akin. Lagi na lang akong victim of scam. Katulad ngayon! Sabihin na lang nating.. mabuti ang puso ko? Huy! Tama ka na. Kaya ka nai-scam, e.


"Ma!" Sigaw ko habang hawak ko ang laylayan ng damit ni Mama. "Look oh, umiiyak ako." Tinuro ko ang mukha kong naka-nguso.


"Ay nako, Kourtney. Kaka-cellphone mo 'yan!" sigaw niya sabay kurot sa tagiliran ko. Napa 'aray' ako pero hindi niya 'yon pinansin at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Kada na lang may sasabihin ako sa kaniya, laging damay ang cellphone. Kahit masakit ang ngipin ko kasalanan pa rin 'yon ng cellphone. College na ako, okay? Cellphone pa rin ang dahilan.


Umakto akong umiiyak. "Ganyan ka na ba sa akin, Ma? Parang hindi na kita kilala, Ma. Nag-bago ka na. It feels like you're brand new now."


Kay Papa naman ako lumapit na nasa sofa habang nanonood ng balita. Kapag ganitong oras ay ganito na ang gawain niya. Pag-tapos kumain, uupo sa sofa at manonood ng balita. I don't actually find news as boring, mahilig din ako manood ng balita. Mas marami kayang nalalaman kapag nanonood ng balita.


"Isang bata ang muntik nang masagasaan dahil hindi tumitingin sa dinadaanan!" rinig kong sabi ng broadcaster sa TV. Thank God at safe siya. That's why we should always be careful.


Tumingin agad sa akin si Papa. "Mga kabataan talaga ngayon ano. Kaya ikaw Kourtney, tumingin ka lagi sa dinadaanan mo!" sigaw niya sa akin na ikinagulat ko.


"Bakit parang kasalanan ko, Pa?" Tanong ko bago umupo ako sa lapit niya.

Save The Last Song For MeWhere stories live. Discover now