C31

26 3 0
                                    

SKY'S POV

Isang linggo nga akong absent dahil ang daming module na dinala si Smith sa'kin galing Imperose University. Self-study ang mangyayare nito sa'kin ngayon.

"Pag-aralan mo lamang lahat iyan at sagutan ang mga activities na kailangan sagutan. Kung mayroon kang hindi alam ay huwag kang mahiyang magtanong sa'kin o sa magkapatid dahil alam na nila lahat iyan hindi lang halata, Ms. Sky." Ngumiti ako at tumango kay Butler Smith. Nahihiya rin ako sa kanila dahil naging pabigat pa ako imbes na ako itong tumutulong sa kanila pero ako pa itong naging abala. "Sa mga nambully naman sayo ay binigyan sila ng huling pagkakataon na mag-aral sa I. U. kumbaga nanganganib ang studies nila dahil kabilang na sila Soon to be Expelled List. Hindi pa ito alam ni Don Matthew pero sa oras na malaman niya ang nangyare sayo ay siguradong papatalsikin niya agad ang lahat ng mga nambully sayo at hindi pa iyon ang gagawin niya dahil papabagsakin niya rin ang mga negosyo ng mga pamilya nito." Hindi naman nila ako kamag-anak para gawin niya iyon pero mukhang nagsasabi naman ng totoo si Butler Smith dahil napakaseryoso nito.

"Galing ang kaibigan mong ninja dito kanina sa bahay, Butler Smith." saad ni Genesis na kakapasok lamang dito sa silid ko. Dumapo ang tingin ko sa dala niyang basket na maliit, napalunok ako at natakam sa fresh mango na dala niya. Mango Carabao ito na nasa garden niya.

"Si Venomous? Ano naman ang ginawa niya rito?"

"Napadaan lang daw. Sige na, pwede ka ng umalis." saad ni Genesis at pinagtutulakan si Butler Smith na lumabas dito sa kwarto ko. Wirdo itong tumingin sa alaga pero hindi na lamang nag reklamo dahil nag taas lang ito ng kamay sa akin at nagpaalam.

"Bakit mo naman pinaalis agad si Butler Smith?" marahan tanong ko kay Genesis. Tila naman mali ang nasabi ko dahil agad na nagsalubong ang mga kilay niya at masama ang tingin sa basket na dala niya.

"Kailangan mo ba siya kaysa sa'kin?"

"Huh??? Pinagsasabi mo diyan."

"Para kasing dismayado ka nong pinaalis ko si Butler Smith."

"Luh? Hindi ah. Hindi kasi ako nakapag pasalamat sa kanya dito sa mga module na dinala niya sa'kin."

"Tsk. Dapat nga mainis ka dahil dinalhan ka niya ng mga module. Kung ako niyan, pupunitin ko lahat yan sa harap niya."

"Hahahahhaaha loko loko. Wait, kinuha mo ba yan doon sa punong mangga sa garden mo?" turo ko sa basket ng manga na dala dala niya. Tumango siya at nilapag iyon sa side table na nasa gilid ng kama ko.

"Pwede nang mamitas sa punong mangga ko kaya kinuhanan kita. Ano bang gusto mo itong hilaw o hinog?"

"Mas gusto ko yong hilaw."

"Pero sobrang asim nito hmmm try mo muna itong hinog. Mas maganda kasi sa katawan mo ang kumain ng manggang hinog kaysa sa manggang hilaw. Saka na kita papakainin nitong hilaw kapag may bagoong na tayo."

Hindi na ako nakipagtalo dahil tama naman ang sinabi niya. Sadyang natatakam lamang ako sa manggang hilaw kaya gusto kong kumain nito pero iniisip ko pa rin naman ang kalusugan ko at pagpapagaling.

"Sa susunod na kakain ka ng manga ay hindi yong may sakit ka kundi naglilihi ka sa magiging ana----"

"Hahahahhaha! Shut up, Genesis."

"Pero iyon ang totoo-----"

"Nope, guni guni mo lang yan."

"Sabagay, Fianceé ka nga pala ni Adam. Why I'm here anyway?"

Nakonsensya naman ako dahil bigla siyang naging tahimik at lumamig ang expression. Mas gugustuhin ko ang madaldal at pala birong Genesis kaysa ganyan siya...

"Ah, Genesis, hindi naman kami-----"

"Hermosa! Wow great, magaling ka na. Thanks god." Si Adam. Pumasok siya rito sa kwarto ko at nagawa pa akong yakapin at halikan ako sa noo.

Paktay... Tumingin ako sa basket na nahulog sa sahig at nagkalat ang mga laman nito. Muling dumapo ang tingin ko kay Genesis na hindi man lang nagpaalam na lumabas dito sa kwarto ko.

"Hala, anyare doon? Nag-away ba kayo? May sasabihin pa naman sana ako sa kanya. Well, kamusta na pala pakiramdam mo, Hermosa?"

"Ayos lang naman, tss. Sa susunod na pumasok ka rito sa kwarto ko kumatok ka muna ok?"

"Hahahahahah hehehe sorry."

"May pa halik halik ka pa sa noo ko. Sapak you want?"

"Of course not pero masanay ka na sa'kin dahil gagawin at gagawin ko yon sayo. Paggalang kasi ang tawag namin sa paghalik sa noo."

"Paggalang o pang manyak?"

"Hahahahahah paggalang nga, Hermosa. At never kitang mamanyakin noh, gusto mo bang patayin ako ng maaga ni Genesis? Ede, sayang ang semelya ko hindi man lang makalahi hahahahah."

"You're gross, Adam."

"Just kidding hahahahha. Dumaan lang ako dito sa kwarto mo upang tignan ka. Hindi ako ngayon dito matutulog sa SIM dahil may Research kami."

"Hmmm, Research about saan?"

"Vaccines para sa Virus na kumakalat sa bansang Magnolia."

"Bagong issue lang ba ito?"

"Oo nitong buwan lang pero ang dami ng namatay dahil sa virus na ito kaya nga nabigyan kami ng project. Lahat kaming nasa Medical Department."

"That's heavy pero galingan mo pa rin."

"Thank you, Hermosa. Mauna na ako ah, siguro bukas ng gabi na tayo magkikita."

"Sige, ingat ka."

He formally bid goodbye to me at hinalikan na naman ako sa noo. Hindi ko na iyon pinansin dahil nagmamadali na siyang lumabas dito sa kwarto ko.


Gang's Lethal LadyWhere stories live. Discover now