C45

10 3 2
                                    

Sky's POV

"Mom." lahat kami napatingin kay Genesis ng banggitin niya iyon. Ina niya ang kausap niya.

"Nasa labas ako ng basement, buksan niyo ang pinto." narinig kong sabi mula sa kabilang linya. Sadya yatang naka loudspeaker ang phone ni Genesis dahil rinig namin lahat ang kausap niya. Namatay din agad ang tawag. At si Venomous naman ay dali daling binuksan ang pintong bakal ng basement. Bumungad sa'min ang isang magandang babae at ang maangas nitong tindig ay nagsasabing dapat mo siyang iwasan. Onyx eyes, parehong pareho sa mga mata nila Genesis at Levi.

"Tita Rose." nagkasabay naming banggit lahat maliban kay Genesis na natulos lamang sa aking tabi. Hindi niya pinansin ang iba dahil sa'kin lang siya nakatingin at yumukod siya saglit kaya napaiwas ako ng tingin at kay Ryder iyon dumapo na seryosong nakatingin sa'kin. Anong iniisip mo lalaking mahaba ang buhok?

"Kukunin ko lamang si Levi, hindi siya pwedeng magtagal dito sa Pilipinas." sambit ni Tita Rose, hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang anak niyang si Genesis. "Nasa Helipad na ang choper namin, Silversmith, Venomous, kayo na bahala kay Levi-----" 

"Hindi mo siya pwedeng kunin hanggat hindi siya nagigising." malamig na saad ni Genesis sa ina, matunog na ngumisi si tita Rose at walang emosyong tinignan ang anak.

"Anak ko siya at wala kang karapatan na pigilan ako sa gusto kong gawin." Hindi naka imik si Genesis at ayon na naman ang nakakuyom niyang kamao. Napayuko siya ng kunin na nila Butler SilverSmith at Venomous ang walang malay na si Levi at lumabas na dito sa Basement kasabay si Tita Rose sumunod naman sila Adam at Ryder. Kami na lamang ni Genesis ang naiwan dito sa Basement. Nakayuko pa rin siya at gusto ko siyang yakapin ng tumaas ang kamay niya at para siyang batang humihikbi. Umiiyak siya.

"Baby." tawag ko sa kanya, hindi siya sumagot pero niyakap niya lang ako kaya gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. "Ayaw kong nakakitang umiiyak na lalaki." saad ko. Mas nasasaktan ako kapag may nakikita akong lalaking umiiyak, hindi emosyonal ang mga lalaki kaya sa oras na umiyak ito sa harapan mo ibig sabihin, sobrang nasasaktan ito. "Sundan na natin sila." Aya ko sa kanya, hinalikan ko siya saglit sa labi bago kami lumabas sa basement.


Genesis's POV

Sobrang sakit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko dati, poot at galit ang mararamdaman ko sa oras na makita ko muli ang aking ina pero hindi.

"Mom! Kausapin niyo naman ako!" tawag ko sa kanya ng makarating kami ni Sky dito sa Helipad ng SIM. Pasakay na siya sa Chopper ng huminto siya at humarap sa'kin.

"Knight Genesis, kailangan na naming umalis ni Levi. Ayaw kong may mangyareng masama sa anak ko. Alis na kami, paalam." walang emosyon niyang saad sa'kin kaya hindi ko napigilang umiyak. Bakit ang lamig niya sa'kin? 

"Mom! anak niyo rin po ako!" sigaw ko, wala akong paki kung nakikita nila akong ganito, lumapit si Sky at inalo ako. Lalong hindi ko napigilang umiyak at yumakap na lamang sa babaeng mahal ko.

"Paalam." huling salita ng ina ko at sumakay na sa chopper. Gusto kong sumunod pero huli na ang lahat dahil nasa ere na ang chopper. Tumingin kaming muli sa Chopper ng makita naming nagkamalay na si Levi at sumilip ito sa bintana ng Chopper.

"Twin! Magkikita pa tayong muli! Huwag kang mag-alala! Mahal na mahal ka namin ni mommy!" Napangiti na lamang ako ng mapait ng isigaw iyon ni Levi, kahit namumutla ay nagawa niya pang kumaway sa'min. "I love you, Love!" sigaw niya pa at nag- flying kiss siya kay Sky!

"What the hell..." mahinang sambit ko, masama ang tingin ko sa Chopper na malayo na sa'min. Rinig ko ang mahinang tawanan sa Helipad at rinig ko rin ang munting bungisngis ni Sky kaya salubong ang kilay na tinignan ko siya. "Di ba taga Russia ka at kilala mo rin si mommy, ibig sabihin non, kilala mo rin si Levi, baby? Sabihin mong hindi." naiinis kong tanong, ngumiti lamang siya.

Gang's Lethal LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon