C40

17 3 4
                                    

SKY'S POV

THAT Ryder guy, pamilyar sa'kin ang built ng katawan niya. Kung hindi ako nagkakamali siya ang kasama nong lalaking iyon na pumasok sa SIM. Pero, nalilito ako sa presensya dahil parang hindi naman delikadong tao si Ryder ang layo ng presensya niya sa taong yon.

“Sky your here.” Sinalubong kami ni Adam at napangisi ako ng makita siyang naka Doctor Lab. Bagay nga sa kanya ang maging Doctor. Para nga siyang hindi na estudyante dahil Doctor na doctor ang datingan ng Adam niyo.

“Coffee for you.” inabot ko sa kanya ang isang plastic na may lamang bread and coffee na para sa kanya.

“Thanks, oo nga pala, bro, umalis muna si Butler Smith dahil hinatid niya ang bagong lola natin sa Imperose University.” saad ni Adam sa kapatid na ikinatango lamang nito.

“Nandiyan pa ba ang parents ng tatlo?” tanong ni Genesis sa kapatid at mga kaibigan niya yata ang tinutukoy niya.

“Wala na pero babalik din ang parents ni Caesar dahil makakalabas na siya mamaya habang sila Astrid at Kiwi naman ay under observation ko pa rin sila.”

“Thanks bro, sige pasok muna kami ni Sky.”

“Sige.”

Malawak ang kwartong inakupahan ng tatlong kaibigan ni Genesis, pangmayaman talaga.

“Ate Sky!”

“Hi Sky”

“Hello Sky.”

“Yow, kamusta pakiramdam niyo?” bati ko sa kanilang tatlo. Pinasadahan ko ng tingin ang mga katawan nila na may mga pasa. “Alam niyo bang matagal mawala ang mga pasa na yan.” saad ko sa kanila.

“Opo, sabi ni Adam aabutin pa raw ng dalawang linggo bago tuluyang maghilom ang mga pasa namin.” sagot ni Caesar sa'kin. Hindi lang dalawang linggo kundi mahigit isang buwan.

“Sa tingin ko, hindi naman kayo binugbog, may kung anong tinurok sa inyo na gamot upang magkapasa kayo sa katawan.”

“You're correct. Hindi nila kami binugbog pero nanlaban kami sa kanila kaya nagkaroon kami ng mga sugat at itong mga pasa namin ay epekto ng gamot.” saad sa'kin ni Astrid.

“Nangyare sa'kin ang nangyare sa inyo. Kung hindi ako nagkakamali, ganyan din ang droga na ginamit nila Queency sa'kin.”

“Oo nga noh, iyang mga pasa mo ay pareho sa mga pasa namin.” segunda naman ni Kiwi kaya tumango ako sa kanya.

“Damn. Pre, kailangan nating hulihin si Queency at ang grupo niya upang tanungin natin sila kung sino ang supplier ng kanilang mga ginagamit na droga.” Biglang sabi ni Astrid kay Genesis na mukhang malalim ang iniisip pero sumang-ayon din naman siya sa sinabi ng kaibigan.

“Baby------”

“Baby???!!!” sabay na sambit ng tatlo at palipat lipat ang mga tingin nila sa'min.

“Yeah, she's my baby. Anong ikinagulat niyo?” maangas ang boses ni Genesis ng pabalik niyang tinanong mga kaibigan niya.

“Hala! Kailan ka pa nanligaw kay Ate Sky?!”

“Oo nga! Bakit hindi kami updated?!”

“Ni-rape mo si Sky noh?!”

“Gago!” sabay naming singhal ni Genesis kay Kiwi dahil sa huling sinabi nito. Humalakhak lamang ang tatlo bago sabay sabay na ngumiti sa'kin. Oo sa'kin lang.

“Ingatan mo ang baliw na yan, Sky.”
Saad ni Astrid kaya pigil tawang tumango ako.

“Unang kita niya pa lang sayo ay na-inlove na agad siya sayo, Sky.” pangbubuking ni Kiwi.

Gang's Lethal LadyWhere stories live. Discover now