Chapter 7: That Sweetest Sunset And That Worst Night

491 30 0
                                    

Sa pagdaan ng bawat gabi na nakakatulog ako at nagigising sa panaginip ko, lagi ring nag aabang sa'kin si Dale.

Mahigit tatlong buwan na rin kaming nagkikita at nagkakausap, at sa loob ng mahigit tatlong buwan ay mas lalo kami napapalapit sa isa't-isa.

Napupunta kami sa iba't-ibang lugar depende sa kung gaano kasaya, kapagod, nananabik at kung gaano man kalungkot minsan ang nararamdaman bago matulog.

Binabangungot parin naman ako, pero hindi na ako ganoon natatakot lalo na't alam kong lagi ko nang kasama si Dale.

Sabay kaming tumatakbo lagi, minsan dumarating ako na may humahabol sakin o kaya naman bigla nalang nagbabago ang paligid namin at may hahabol sa'min para tangkain akong patayin o dukutin.

Pero lagi ko nang nalalampasan ang mga ganung scenario at nagigising na minsan natatawa, kasi saming dalawa ni Dale sya na yung mas takot pag hinahabol kami HAHHAHA

At gaya ng dati kung saan-saan niya parin ako tinutulak, minsan pa nga sa di malamang dahilan at hindi ko alam kung saan rin nanggagaling ang mga yun, pero minsan ay naitutulak ako ni Dale sa isang kulungan ng baboy na kung saan  umeere pa ang nanganganak na baboy.

May pagkakataon pa na kusa na akong tumatalon sa kung saang bangin, gusali o kaya sa puno, andun pa rin yung pakiramdam na parang nahuhulog ang kaluluwa ko o kaya nahihigop sa kung saan, pero laging mukha ni Dale ang huling nakikita ko bago ako tuluyang magising. Laging bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Akalain nyo yun marunong na syang mag-alala, eh noon basta-basta nalang ako tinutulak sa kung saan na wala man lang pasabi o ano.

"Aray ko naman, Dale!" Reklamo ko sa kanya, dahil nahila medyo nahila niya buhok ko.

"Teka lang, ito naman puro reklamo" sagot pa nito

"Eh kung buhok mo kaya hila-hilain ko. Kalbuhin kita dyan eh"

Nasa garden na uli kami kung saan kami nagkita noon pagkatapos kong mahimatay habang kinakausap si Presto at naisugod sa hospital.

Kinukulit ako ni Dale na suklayan niya raw ako at mag-aaral sya kung paano uli magtirintas ng buhok.

"LET ME JUST REMIND YOU, DALE.
HINDI AKO KABAYO PARA HILA-HILAHIN MO BUHOK KO!" mariin kung paalala sa kaniya, at alam na niya na nagsisimula na akong mairita kaya naman itinigil niya pag susuklay sa buhok ko.
At tumayo ito sa harap ko na parang isang batang may dalang kung ano at pinakita sa nanay HAHAHAHA

"Halika, gusto mo ba humiga?
Ipatong mo ulo sa lap ko dali tapos susuklayan na uli kita pero di ko na hihilain buhok mo" sambit nito habang gumuguhit na ang mga ngiti sa mga labi niya.

Alam na alam na rin niya kung paano agad ako napapaamo pag naiirita saka nagsusungit na sa kaniya.

Kaya naman 'di na ako nagmatigas pa at tumagilid nang bahagya paharap kung saan ang direksyon rin ng  katawan niya at  nakapatong ko na ang ulo ko sa lap niya.

Sinimulan na niyang suklayan ng marahan ang buhok ko, nang biglang naramdaman kong inamoy niya ito.

"Ayan ka na naman, ba't mo ba laging pasimpleng inaamoy buhok ko? Hala! Crush mo ko no? Ikaw ah! Masyado ka nang nagpapahalata" pang aasar ko sa kaniya na sinundan naman agad ito ng sagot niya

"HINDI AH!"

"Alam mo ba, na yung mga hindi umaamin sakin na nagkakacrush sa'kin, sa ganiyang paraan sila sumisimpleng umaano sa'kin." Pagkukwento ko sa kaniya

"Aba! Kung kani-kanino mo pala pinapahawak buhok mo? So sinusuklayan ka rin nila?" Tanong pa nito

Humiga na akong diretso at natatanaw ko na ang pagmumukha niya, kitang kita kung gaano talaga kahaba mga pilik-mata niya at kung gaano kaganda ang mga labi niya ganun narin ang tangos ng ilong niya.

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now