Chapter 2

143 11 0
                                    

Go back

As I looked my reflection at the mirror parang kinagat ng bubuyog ang mga mata ko sa pamamaga dahil sa kakaiyak ko kagabi after I came back home.

Nang makauwi ako sa hotel room ko napagisipan ko na din kinaumagahan na umuwi na. Hindi ko din naman alam ang gagawin ko pa doon kung hindi ko naman siya makikita.

I just let myself cry all day dahil parang pinipiga ng libo libong lubid ang dibdib ko kakaisip kung nasaan na siya. ayaw kong mag overthink pa dahil alam ko sa sarili ko na buhay siya. na nandidito lang siya at hindi tuluyang naglaho.

I just compose my self and let out a heavy sigh. this is my first day of school at mabuti nalang nakausap na ni Dad ang Dean nang dati kong school kung pwedeng kukuha nalang ako ng special exam for the missing quizzes and finals na hindi ko nakuha noong nawala ako. Hindi ko lang alam if marami nga bang nabago sa school o wala.

"morning mom" I immediately greeted when I saw my mom sitting sa dining at kumakain kasama si Dad. mukhang may business trip silang dalawa dahil kapansin pansin ang dalawang maleta na pinapasok ni mang badong sa sasakyan ni Dad.

"so, aalis kayo? saan kayo pupunta this time?" I ask the both of them while starting to get my meal.

"hmmm. dubai.. 2 weeks lang naman kami don and babalik din kami kaagad" sagot ni Mom habang naglalagay ng jam sa bread niya.

"kakabalik ko lang aalis din naman kayo" may himig na tampong saad ko. Hindi ko pa sila nakakasama ng matagal tapos ito aalis na naman sila.

"don't worry.. after we came back mag papahinga na muna kami ng ilang lingo ng Dad mo para makasama ka" hindi ko naman magawang pigilan na matuwa dahil sa nalaman. then we should plan to have a bonding.

"but, anak hindi kaba magsusuot ng sunglasses?" napatigil ako sa kinakain ko dahil sa tanong ni Mom. ganon ba talaga kapansin pansin ang pamamaga ng mata ko?

"magsusuot ako mamaya" maikling sagot at sumubo na ulit.

"even we don't know what exactly happened to you sa lugar na pinuntahan mo.. remember always we are here at handang makinig sayo" parang may bumara sa lalamunan ko at gusto kong umiyak dahil sa narinig mula kay Dad. I looked at him at nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"thanks Dad" I mouthed to him. "always" he responded to me. pagkatapos naming mag breakfast nagpaalam na ako sa kanila na kailangan ko nang umalis. this time walang driver at ako na mismo ang nagmamaneho ng sasakyan ko.

I miss this. I miss riding my baby. After a couple of minute natanaw ko na ang gate ng dati kong school. may ilan ilan akong nakikitang familiar na mukha na schoolmate ko. huminto ako sa tapat ng gate ng school at nilabas ang ID ko para makita ni manong guard. Nang mamukhaan niya ako halos mahulog ang baba niya dahil sa pagkagulat.

"MA'AM" malakas na sigaw niya kaya napatingin sa amin lahat ng students. Yumuko naman ako para itago ang mukha ko. sininyasan ko naman si manong guard na tumahimik.

"sorry po. pasok na po kayo" bulong niya. tinanguan ko nalang siya at nagsimula nang magmaneho papasok sa school.

Dumaan ako sa backdoor ng school papuntang Dean office. ayaw ko namang makaagaw ng pansin kapag sa front door ako papasok. Alam ko namang magugulat ang lahat na nakakakilala sa akin dahil akala nang lahat patay na ako. but sorry to tell them I'm still alive and ready to kick some ass.

Nang makarating na ako sa Dean office ng matiwasay. kumatok ako ng tatlong beses.

"come in" nang marinig ko ang boses ng taong na miss ko ng subra ay walang pagaalinlangan kong binuksan ang pintuan.

Legacian Academy 2: The Moon GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon