Chapter 7

109 8 0
                                    

Cookies

"Manang tama po ba to?" tanong ko kay manang dahil nagpapaturo akong gumawa ng cookies sa kaniya. I want to give this to Tin dahil birthday niya ngayon. she invited me to her house for small celebration. Buti nalang talaga at tumama ang birthday niya sa walang pasok. kapag nag kataon hindi na naman ako makakapunta dahil busy ako sa SSC office.

"oo iha.. tapos lagay mo na ang chocolate para mas sumarap"napangiti naman ako at sinunod ang sinabi niya. halos patapos na din kami sa pagluluto at for final toppings nalang talaga. after a couple of minutes naluto ko na ang cookies na ibibigay ko.

Hindi ko alam kung ilan kami ang pupunta but I made a lot of it na kasyang kasya sa dalawang box. I designed the box to looked it more presentable. ayaw ko namang mapahiya no. baka kasi ang mamahal ng regalo niya mamaya tapos sa akin cookies lang.

"ako nang bahala diyan iha, magbihis ka na don at baka nandiyan na ang sundo mo"

"sure po kayo Manang?" mabilis naman siyang tumango sa akin. "sige po" paalam ko at umakyat na sa kwarto ko.

Tin told me na ipapasundo niya nalang ako sa driver nila para hindi na daw ako mahirapan sa pagmamaneho alam niya kasing hindi din ako magpapahatid kila manong badong.

ng matapos na akong magbihis at makapagayus. tamang tama namang pinaalam ni Manang na andiyan na daw ang sundo ko. Mabilis akong bumaba at kinuha ang dalawang box ng cookies.

Nang makalabas ako sa gate nakita ko si Manong Nestor na kausap si Manong Badong.

"hi po maam lucy" bati sa akin ni Manong Nestor. He's the driver of Tin at halos lahat yata nang kasambahay nila kilala na ako.

"good evening Manong Nestor.. pakilagay naman po nito sa loob" pagsuyo ko at mabilis niya namang nilagay ito sa back sit.

"Manong Badong. ikaw na po bahala magsabi kila Mom at Dad na pupunta muna ako kila Tin"

"makaasa po kayo Mam Lucy" napangiti naman ako at nagpaalam nang aalis na ako. nang makapasok ako sa front sit sumunod din naman na pumasok sa driver sit si manong nestor at umalis na kami.

Hindi din nagtagal nakarating na kami kila Tin. halos wala din naman akong makitang mga bisita. tama nga ang sinabi niyang small celebration lang talaga. ayaw kasi non nang engrande.

nang makapasok ako sa main door halos magulantang ako sa taong nagbukas ng pinto. Muntik ko nang mabitawan ang dala dala kong boxes kung hindi niya lang ako nasalo kaagad. nailing ako dahil ang lapit ng mukha niya sa akin kaya ako na ang kusang tumayo.

"a-re you ok?" agarang tanong niya.

"y-es.. okay lang ako.." halos rinig na rinig ko ang tambol ng dibdib ko dahil ang lapit niya.

"sorry nagulat yata kita"

"no.. its fine.. hindi ko lang inaasahan na nandito ka din pala" napansin ko naman ang pagkamot niya sa batok niya.

"a- oo Tin invited me" napatango naman ako dahil hindi sinabi sa akin Tin na pupunta din siya.

"By the way ano yan?" napatingin ako sa bitbit ko at pinakita sa kaniya"cookies..gift ko para kay Tin. you know what she really love cookies"

"napansin ko din yan sa school. palaging napapabili si Evo sa tapat na coffe shop ng cookies dahil inuutusan ni Tin"

"he just really love Tin" nakangiting sabi ko dahil kahit pa noong nanliligaw sa akin si Evo hindi niya pa din nakakalimutang bilhan si Tin ng cookies that's why Tin fall for him.

"E-hem..Hindi pala kami na inform na masaya pala kayong nagkukwentuhan diyan sa tapat ng pinto nabagot kami kakahintay sa inyo sa sala akala namin kung napano na kayo" nagkatinginan naman kami ni Aaron and I don't know what happened to us but we just both laugh for nothing.

"ay.. tinawanan lang ako" napailing nalang ako sa pinagsasabi ni Tin at linapitan siya. I immediately hug her.

"happy birthday Tin" bati ko sa kaniya.

"salamat... but nasan ang gift ko?" natatawang inabot ko naman sa kaniya ang dalawang hawak kong box. nang masilip niya kung anong nandon halos lumuwa ang mata niya sa saya.

"omy god! did you baked it?" mabilis naman akong tumango sa kaniya.

"omy! thank you Lucy!"

"your welcome... tara na pakainin mo na ako nagugutom na ako"

"hahahha oo po.. hali na kayo" gumayak naman kaming tatlo papunta sa dining area at nakita ko doon sila Tita at tito kasama si Evo.

"Lucy! glad that you're here!" nakipag beso ako kay tita dahil na miss ko din sila.

"its nice seeing you again tita"

"ikaw na bata kung saan saan ka nagpunta. akala namin talaga—"

"Mom don't talk like that.. she's already here" putol ni Tin sa sasabihin ni Tita. I know what she really mean of it.

"im sorry iha"

"no need to say that po. im ok na" ngumiti naman ako sa kaniya pabalik.

"ang mabuti kumain na kayo" umupo naman ako sa bakanteng upuan at sa kamalas malasan nga naman hindi ko napansin na katabi ko pala si Aaron.

"Aaron. gusto mong tikman yung cookies ni Lucy.. promise masarap" nagulat ako sa sinabi ni Tin at pinandilatan siya ng mata. napansin ko naman ang pagngisi niya sa akin na halos ikinatampal ng palad ko sa noo ko.

"b-ut its her gift to you"

"no buts.. here taste it" at nilagyan pa niya talaga ng cookies ang plato ni aaron. napansin ko namang kinuha niya ito at sinubo. napapikit nalang ako ng palihim dahil baka hindi niya magustuhan. first time ko pa namang gawin yan.

"its good" gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa narinig ko.

"hindi nga?" tanong ko. tumango naman siya sa akin "its really good. same taste siya sa mga branded na cookies na nabibili sa mamahaling coofee shop" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Buti nalang talaga at masarap kung hindi minus points na naman ako sa kaniya

"sabi ko naman sayo masarap eh.. pwede na ba siyang mag-asawa?" napangiwi ako sa sinabi ni Tin. siraulo tong babaeng to.

napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni aaron dahil sa tanong ni Tin.

"ha. ha. ha wag kang maniwala sa kaniya Aaron nagbibiro lang siya.. diba TIN?"diniin ko pa ang pangalan niya at kahit natatawa tumango siya sa akin.

"o-o prrft.. nagbibiro lang ako" malilintikan talaga siya sa akin mamaya.

"Ganon ba.. isasagot ko sanang.. Oo" bigla nalamang tumahimik kaming lahat at parang nakalimutan kong huminga dahil sa sinabi niya. napatingin ako sa kaniya at bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha habang nakatingin pa din sa hawak niyang cookies.

shit! I'm doomed.. I can feel my heart rapidly beating so fast because of the man sitting beside me. 

Legacian Academy 2: The Moon GoddessWhere stories live. Discover now