Chapter 6

200 8 0
                                    

"Naka baba na kami. Pinapauna ko lang ang iba." binaba ko na ang tawag ko sa aking mga kaibigan habang nakasunod ako kay Charles.

Kanina pa kami naghihintay sa loob ng eroplano na maubos ang mga tao dahil ayaw niya makipagsiksikan palabas.

I'm being extra careful but my cousin is taking it to a whole new level. Kung pwedeng i bubble wrap ako ay siguradong nagawa na niya.

My pregnancy is considered high risk kaya hindi ko na rin masisi si Charles kung bakit ganoon siya ka paranoid.

I'm still uncertain on which path to take and I want to take my time to process the situation and just like what Charles said, adaptation is on the table.

Nasa harapan ko si Charles tulak ang aming mga maleta. This is the first time he held my luggages without complaints.

Behind us, two elderly couples who are on a call. Hindi ko maiwasang marinig ang kanilang usapan dahil naka loud speaker and phone and they are not really toning it down.

"Ano?! Paanong patay?!" halos lahat kami ay napatingin sa matandang babae na kalaunan ay humagulgol nalang bigla.

My eyes widened as I felt my nerves pulse with anxiety. Hinila ako ni Charles palayo habang nilalapitan naman ng crew and matanda.

"Patay na sila at nung bata...Nasagasaan daw."

Wala sa sarili akong napahawak sa pinsan ko habang naririnig ang mga salitang iyon. It feels like a warning. A sign.

Mabilis kaming nakalabas sa eroplano hanggang sa hindi ko na marinig ang hinagpis ng mga matatanda.

"Thank you for choosing our airlines—Maam, you look pale? " Pilit ngiti ang nasagot ko sa attendant bago sumunod kay Charles.

I'm feeling lightheaded so suddenly.

"Raya!" Agad akong hinila ni Ashe sa isang mahigpit na yakap nang makita niya kami.

Nasa restaurant na sila Lav at Rosie para sa reservation.

"Ilang araw ka lang nawala pero miss na miss na kita!" pagbati niya sa akin habang nakasunod kami kay Charles na nagtutulak ng maleta papunta sa napiling kainan.

"Anong meron, bakit maputla ka?" Agad akong napaayos sa sabi ni Ashe.

"Jetlag." She nodded bago dinaldal si Charles.

Pinapalakas ko ang loob ko para masabi sa kanila na buntis ako.

"Ahhhh!" my girls screamed excitedly when they saw me.

I smiled nang yakapin ako nila Rosie at Lav noong makalapit kami sa lamesa nila.

Agad namang dumating ang pagkain namin at doon na kami nagkamustahan. I told everything about my unfavorable trip.

"Ayos ka lang ba? Hindi mo ba gusto ang lasa?" Umiling ako sa tanong ni Rosie na nakapansin sa mabagal kong pagnguya.

"Seriously mhie, pinapakaba mo kami." Uminom muna ako ng inorder naming shake bago kinuha ang blue envelope sa bag na naglalaman ng maliit na larawan.

Inabot ko sa kanila ang maliit na papel at sa una ay nakakunot pa ang kanilang noo pero kalaunan ay hindi na nila mapigilan ang kanilang mga boses.

"What the fuck!" Yumanig ang table namin sa lakas ng pagkakahampas ni Rosie rito.

"Totoo ba ito? O My God!" Pabalik-balik ang tingin niya mula sa maliit na larawan at sa akin.

"Ano yan?" inanagaw ko mula kala Ashe ang larawan at inabot kay Lav na nasa tabi ko.

Accidental Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now