Chapter 27

105 3 0
                                    


Napalingon ako at nakitang tumatakbo papalapit sa akin ang aking anak. 

Bitbit niya ang mga laruang na dinala niya kanina sa school. Halos madapa na kakahanap sa kung sino. 

"Tita Adie isn't home yet." Lumungkot ang kanyang mga mata at tahimik na umupo sa gilid. 

Aciel is already capable of understanding us pero hindi pa rin ito nakakabuo ng isang salita. It is always gibberish but the doctors assured me that it is still normal for a three-year-old.

 Ang rason kung bakit halos magtatatalon sa sigaw si Aciel ay dahil sa pangako ni Adie na bibitbitin ito sa airport. Ezrael finished his sentence and is now on the way back home. 

And I do not know how to react. 

Should I treat him like a lover? Should I keep it formal? 

Ang daming nangyari sa loob nang halos  apat na taon, hindi ko alam kung papaano siya sasalubungin. 

"Yo, you look stressed." Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang pumasok si Adie sa bahay.

Agad akong iniwan ni Aciel at sinalubong ang bagong dating. 

Aciel quickly tells how his day went in his own language that he only knows. Nagagawa namang sumagot ni Adie kahit na hindi namin maintindihan ang sinasabi nito. 

"Sigurado kang kaya mo si Aciel?" 

She always babysits for me pero ngayon lang siya aalis kasama si Aciel. My son can be very energetic which made me think twice about her plan.

"We'll be fine, Raya. Kung gusto mo mag video call pa tayo habang papunta kami sa ariport." Ibinaba niya ang envelope na puno ng papeles at niluwagan ang tie na suot. 

 Akala ko ay tuluyang mapapabayaan ang negosyo ni Ezrael pero nagawa itong buhatin pabalik ni Adie. She quit her job at the university to work for Ezrael's company instead.

Now, the plantations are doing good and the business is starting to bloom once again. 

"Adie, uuwi  na siya." Pilit kong nilulunok ang kabado kong boses.

"Yep. Susunduin ko na mamaya."

 Pakiramdam ko ay hahatulan na ako ng kamatayan sa mga oras na ito. 

I feel so lost. Hindi ko alam ang gagawin. 

Did he move on? Did he change? 

Dapat ay nagmamadali na ako sa paggawa ng lesson plan pero walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. It just completely shuts down once I receieved the news earlier this week. 

"Papaano ko siya haharapin?" 

"He is still Ezrael,Raya. Wala namang nagbago." 

I can say that there is a distance between Ezrael and me since Aciel is born. We are not on good terms when he left. 

"Just please take it slow."  Sabi niya bago ako iwan para magpalit sa kanyang kwarto.

Tinawag ko lang si Aciel para ayusan.  Habang pinili ko nalang na dito maghintay sa bahay. 

Because if things goes wrong, pwede naman akong magtago sa kwarto. I cannot understand myself at all. 

What am I afraid of?

Lutang ako habang binibihisan si Aciel na halos sumabog na sa sobrang saya. 

"Hmmm kinipula name-- ashhduda" Napatitig ako sa aking anak na proud na proud habang nagkukwento.

Accidental Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now