My Ears are Bleeding

21 0 0
                                    

T awagin niyo nalang akong Jojo, isang Call Center Agent. Magdadalawang taon na akong nagtatrabaho sa ganitong industriya, at sa awa naman ng diyos, hindi pa rin ako nagsasawa.
Noong bata pa ako, kapag tinatanong sa akin kung anong gusto kong "maging" pag laki ko, ang isinasagot ko ay "Duktor po!" kung within hearing range ng aking ina. Ngunit madalas, ang isinasagot ko ay "Presidente po ng Republika ng Pilipinas!" kung sinusumpong ako ng kayabangan.

Siguro ay hindi pa sikat ang Customer Care noong 90's kaya hindi ko sinabi na gusto kong maging Customer Service agent.

Sa totoo lang, hindi ko naman pinangarap na maging ahete. Naaalala ko nuong nasa Kolehiyo palang ako.Kapag nakakasabay ko sa jeepney ang mga agents na nagpepeke ng kanilang mga accents kahit naman hindi tama ang grammar nila, ay halos maputukan ako ng ugat sa bumbunan dahil sa inis. Siguro sa buong byahe ko noon, mula pagsakay nila hanggang sa kanilang pagbaba, nakapagisip na ako ng isang milyong paraan kung paano sila itutulak sa labas ng saksakyan nang hindi nila namamalayan. Sa mga pagkakataong yon, isinumpa ko sa sarili ko na hindi ako magiging call center agent.

Ngunit masyadong naging mapaglaro ang tadhana. Namatay ang aking ina na syang nagpapaaral sa akin (at sa dalawa ko pang mga kapatid). Huminto ako sa pagaaral, at naghanap ng trabaho. At dahil di pa ako tapos sa pagaaral ng kolehiyo, napadpad ako sa pagaapply sa callcenter na tumatanggap ng mga aplikanteng hindi tapos sa kolehiyo.

Kung maraming nagsasabing madali lang pumasok sa ganitong industriya, tangina kayo. Hindi sa pagmamayabang, pero maayos naman ang ipon kong bokabularyo. At naging editor in chief din ako ng aming school paper.

Ang Pilipinas ang pumapangatlo sa mga bansang gumagamit ng wikang Inggles bilang pangunahing wika. Kaya siguro maraming mga Pinoy na malaki ang ulo at nagiisip na madali lang pumasok sa Call Center kahit kapag lasing lang nakakabuo ng isang pangungusap.

Naalala ko noong nagaaply ako sa isnag malaking kumpanya, may nakasabay akong applikante na iniinterview ng isang babae sa front desk.

"What position are you applying for?" Tanong ng babaeng resepsiyonista habang titig ang mga mata sa resume ng applikante. Mukha siyang tinatamad at pagod, pero may halong "perkiness" pa rin ang boses nito. Noong mga oras na iyon, naisip ko na siguro isa sa mga requirements siguro sa pagiging ahente ay mag-tunog masigla at masaya kahit ngarag na.

"Ah a- job po," sagot ng applikante.

Nanlaki ang mga mata ng resepsiyonista sabay abot ng isang pirasong papel. "Right now, we have no positions available that matches your profile. Please reapply after 6 months. We might have a more suitable position for you by then."

Positive scripting ang tawag dyan. Sa Tagalog, ang ibig niyang sabihin ay, "Tangina ka, ambobo mo. Kumuha ka muna ang Communications unit bago ka magapply dito! Shoo!"

Harsh.

Pero reality check, huwag masyadong maging overconfident sa kapiranggot na kaalaman. Mapapahiya ka lang.

TFYC (Thank You For Calling): Call Center ChroniclesWhere stories live. Discover now