A Letter to Jopay

14 0 0
                                    

Dear Jopay,

Kaninang umaga ko pa iniisip kung bakit ko biglang na pag-tripang sumulat ulit. Dahil siguro sa wala akong makausap? Hindi sa ilag ako sa mga tao, alam mo naman na madaldal talaga ako. Pero kahit na madami akong nakakasalamuhang tao dahil sa trabaho ko, hindi ko pa rin maintindihan bakit hindi ako interasado sa mga pinaguusapan namin. Marahil siguro may mga bagay bagay akong nais pag-usapan na hindi kayang sabayan ng maraming tao. Mga weird subjects ika nga. Mga weird topics na nagagawan natin ng masinsinang talakayan.

Naalala mo yung usapan natin tungkol sa multo? Nasabi mo totoong merong mga kaluluwang ligaw?

Merong mga mabubuti.

Meron din mga masasama.

Natatawa lang ako noon sayo kasi ako hindi talaga naniniwala sa mga ganoong mga bagay. And of all people, ikaw na isang super religious at logical na tao ay paniwalang paniwala. Pero sa gitna ng diskusyon natin noon, may mga binitiwan kang mga salita na hanggang ngayon ay nakatatak sa aking isipan.

Sinabi mo na huwag akong matakot sa mga multo dahil ako ang malakas.

Dahil may buhay ka, ikaw ang mas malakas.

Hanggang ngayon iyang mga salita pa din ang patuloy na bumubuhay sa akin.

Naniniwala na ako sa mga multo.

Pero sa ibang klasend multo. Ito ang mga bagay na ikinakatakot kong mangyari, mga mapansamantalang mga tao sa umaaligid sa tabi, at mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo maipaliwanag.

Para sa akin, iyon ang mga tunay na multo.

Araw araw ko silang nararamdaman.

Araw araw ko silang tinitiis.

Araw araw akong nakikipaglaban.

Araw araw kong naisip na sumuko.

Pero araw - araw din kitang naalala.

Iniisip ko na nandiyan kalang sa tabi ko.

Bumubulong sa akin at sinasabing, "May buhay ka, ikaw ang mas malakas."

Jojo

TFYC (Thank You For Calling): Call Center ChroniclesWhere stories live. Discover now