Kwentong Kabaliwan - Part One

10 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Basta ganito iyon.

Gabi 'yon.

Nasa kama ako habang binabasa ang huling kabanata ng Harry Potter and the Order of the Phoenix.

Naririnig ko ang away ng dalawa kong kapatid. Hindi ko alam kung saan o paano nagsimula ang pagtatalo nila basta ang huling narinig ko ay ang pagbanggit ng "Pansit Canton!" ng kapatid kong babae.

Natawa ako.

Hindi sa kanilang dalawa o sa binabasa ko, kundi sa babolgam na nakadikit sa itaas ng kama ng kapatid kong lalaki, na nagsisilbing bubungan ko (double decked siya, in short).

Alas-diyes na ng gabi.

Natulog na ako. Zzz.

Nagitla ako ako nang may humaplos sa aking bandang harapan.. sa tiyan.. (bawal ang manyak!)

Nagising ako.

Madilim ang paligid ngunit naaninag ko ang mala-taong aparisyon sa aking harapan na kanina pa kinukutkot ang butas ng akng pusod.

Nanigas ako.

Hindi makahinga.

Nagsalita ito. "Sumama ka sa akin!"

Sabay hila sa aking mga buhok sa pusod.

Napangiwi ako sa sakit.

Sumunod ako.

Lumabas kami ng bahay.

Naririnig ko ang away ng dalawang magsyota sa kabilang kwarto habang tumingala ang aparisyon sa langit.

"Anong--?" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, hinawakan niya ang aking tenga sabay talon ng mataas.

Nasaktan ako.

"Gahdemet!" Namura ko ang aparisyon.

Hindo ko matanggal ang kanyang pagkakahawak sa aking tenga na nagsisimula nang humaba.

Hinugot ko ang makintab na belong nakatakip sa mukha nito.

Pero bago ko pa namn tuluyang matanggal nag belo, nagsimulang magbago ng anyo ang aparisyon.

Nasimula itong lumiit, humaba, bumilog, kumapal.

Nag-anyo itong isang malaking longganisa.

Brown... Mabango... Katakam-takam...

Nagsimula akong maglaway. Kakagat na sana ako nang bigla itong nagsalita.

"Hindi kita kayang ilipad kaya sumakay ka nalang!" Sigaw nito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta! Inumin mo ito!" May iniabot siyang bote na may lamang green na likido.

Inamoy ko. Hmmmmmmn. Amoy Blue-berry Cheese Cake! Ininom ko.

"Tapos?" tanong ko sa malahiganteng aparisyon.

"We wait." Pagkalipas ng ilang sandali, nag-iba ang pakiramdam ko.

Humapdi ang lalamunan ko. Hihingi na sana ako ng tulong nang biglang nagsipaghiwa-hiwalay ang katawan ko sa anim na piraso.

"Gahdemet! Anong ginawa mo sa akin?!"

Nagpaliwanag ito, "Ang ininom mo ay ang Putolputoljuice Potion. Hinahati nito sa anim na piraso ang katawan ng sinumang iinom nito. Kapag.."

Hindi ko na narinig ang iba niyang detalye pagka't ang ulo ko ay nagsimula nang gumulong pabalik ng bahay.

"OUUCH!!!!!" Napasigaw ako nang dinaganan ng malaking longganisa ang parteng groins ko.

Nagmura ako sa galit.

Sumigaw ang masarap na longganisa, "Makinig ka! Nanganganib ang iyong buhay! Kailangan kitang ipunta sa tahanan ng mga Hoarders! Pero kailangan nating hatiin ang katawan mo para hindi ka mahuli ng buo!"

Umiiyak pa din ako dahil sa sakit na dulot ng pagkakayari sa aking tanging kayamanan nang uminom din ang higanteng longganisa ng inuming tulad ng ibigay niya sakin kanina.

Siya din ay nahati sa anim na piraso.

Anim na katakam-takam na piraso.

"Wag na tayong mag-aksaya ng panahon! Isakay mo na ang mga piraso sa tig-isang piraso ko!" Sumigaw ito.

Gumulong ang anim na parte ng aking katawan tungo sa mga piraso ng longganisa.

"Lilipad ba tayo?", tanong ko.

"Hindi nga kita kayang ilipad."

"Eh, pano tayo makakarating sa tahanan ng mga Hoarders?"

Hindi ito nagsalita.

Tumingin-tingin ang pinakamalaking bahagi ng katawan nito na sakay ng ulo sa kanyang paligid. Nang nakakasigurong walang gutom na asong lalapa sa kanya, sumigaw ito. "CHARGE!!!!"

Tila mga bolang nagsipagtalbugan ang mga piraso ng longganisa.

Nagpatalun-talon ang mga ito sa iba't-ibangdireksiyon.

May mga parteng pumunta sa kanal, yung iba sa putikan, ung iba sa kalsada.

Nagsimula na akong mag-enjoy sa pagkakasakay ko nang biglang mag sumigaw sa bandang likuran ko.

"Hassan nassi Hassi Passa?!"

Napalingon ako sa likod at napatitig sa mga nanlilisik na mga mata ng isang halimaw na nakasakay sa isang malaking kikiam.

"Ano raw?", tanong ko ke Longga.

"Wikang SawawTongue yan! Isa siyang Mammangan! Mga alagad ni Lloyd Balderama!" Sumigaw ang longganisa. "Kumapit ka nang mahigpit!"

Kumagat ako sa balat ng longganisa.

Hmmmmmmmmmmmmn.

Bumilis ang paglundag-lundag nito. "Dali! Gamitin mo ito!"

May inabot siyang isang kahoy na halos isang pulgada ang baha. Matalim ang dulo nito.

"I-isa ba itong wand?", nautal ako.

"Hindeh! Isa yang BBQ stick, napulot ko lang diyan sa tabi! Dali sundutin mo iyang kikiam!" Sigaw ng longganisa.

"Pwede mo namang ibulong sa akin noh! Kanina ka pa sigaw ng sigaw diyan! Nakakabingi!"

Tumalikod ang ulo ko, bitbit ang BBQ stick sa ngipin. Malapit na ang halimaw. May inilabas itong BBQ stick mula sa kanyang likuran.

Itutusok ko na sana ang matalim na kahoy na kagat ko nang biglang sumigaw ito.

"Avrakedavra sisvoomva!" Itinusok niya ang BBQ stick sa puwitan ng longganisang sakay ko.

"Tung-eenuh...", napaiyak sa aray ang longganisa.

Humalakhak ang Mammangan. Sinundot ko ito sa mata.

"AARRRRRGSSSSSSHHH!"

Nawalan ito ng kontrol sa kanyang sakay na kikiam. Tumilapon ito sa poso negro.

"Salamat..," sambit ng longgnisa.

"Anytime. Malapit na ba tayo?" tanong ko

"Medyo. Anim na libong talbog na lang."

Nagsimula nang guminhawa ang pakiramdam ko nang biglang may kumalabit sa batok ko.

"SI LLYOD BALDERAMA!" Sigaw ni Longga.

"Nahanapan din kta, cyst!!!!" Nakangiting bigkas ng halimaw na nakasakay sa isang arinolang bit bit ng mga ipis...

...libu-libong lumilipad na mga ipis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TFYC (Thank You For Calling): Call Center ChroniclesWhere stories live. Discover now