CHAPTER 2

6 2 0
                                    

CHAPTER 2

Dahan-dahan akong tumayo, ni paglakad ko'y halos wala ng tunog. Tanging mga alon, tunog ng hangin at ingay na nagmumula sa mga maliliit na hayop lamang ang naririnig. Bawat paghakbang ko'y lumulubog ang aking mga paa sa puting buhangin.

Hindi bagay ang aking nakita kun'di tao...

Patay na ba ito?! Baka kung patay na ito ako pa ang mapagkamalang killer!

Kahit takot man ay sinubukan ko pa rin itong lapitan. Nang makalapit ako'y doon ko lang nakitang isang babae ito. Nakasuot ito ng mahaba at puting bistida na ngayon ay nababasa na ng malalakas na alon mula sa dagat. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag para tuluyan ko siyang makita.

Maamo ang kaniyang mukha at ni sino mang tao'y aakalaing mahimbing lamang itong natutulog. Ang kaniyang maputing balat ay mas lalong nagliliwanag sa gabing madilim. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi ko maiwasang hindi mapatigil habang pinagmamasdan ito. Ni pagkuha lamang ng kaniyang kamay para malaman kung may pulso pa ba ito'y hindi ko ginawa. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan at tinititigan ito.

I couldn't believe I lost my drunkenness just because of the attraction on the face of the woman in front of me. Napahugot ako ng malalim na hininga ng unti-unti itong dumilat. Umawang ang aking bibig ng makita ang kaniyang bilugang mga mata.

"Miss, are you okay?" I finally had the strength to say that too.

Her gaze glanced around us before she suddenly screamed. I took a step back and frowned.

"Huwag mo 'kong lalapitan!" she shouted as she tried to stand up.

"Miss," akmang hahawakan ko ang kaniyang kamay para tulungan sana siya pero hindi niya ako hinayaang hawakan siya.

"Halimaw ka!" sigaw niya pa. Inulit-ulit pa.

At ako pa ang naging halimaw!

"Gusto lang kita tulungan, okay?! Huwag kang sumigaw!" I took a step nearer her, but her face became even more terrified. "Dadalhin kita sa hospital." Sabi ko pa.

"A-alis na ako." Utal niyang sabi habang umaatras palayo sa akin.

Napabuntong-hininga nalang ako ng tuluyan na siyang tumakbo palayo. Okay lang ba iyon? Parang siya pa ngayon ang nakakita ng multo, samantalang mas nakakatakot pa siyang tingnan sa mahaba niyang damit. Tsk!

Bahala nga siya sa buhay niya, mukhang kabisado naman niya ang buong isla. At tsaka, bakit ko ba inaalala ang babaeng iyon, hindi ko naman iyon kaano-ano.

Nang dahil sa inumaga na ako kanina sa dalampasigan ay tanghali na rin ako nagising. I stood up and went straight to the bathroom to take a shower. I also spent about an hour soaking in lukewarm water before deciding to dress. I studied myself in the mirror and noticed that my beard was too long.

When was the last time I trimmed it? I'm not sure, I've lost track of time. When I glanced into my own eyes, there was no trace of grief in them.

She's happy, Alphonse. She's happy ... don't bother her anymore. You are here to forget her not to look for her over and over again.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto. Tinungo ko na ang daan patungong restaurant para makapag-brunch na. Patapos na sana ako sa aking pagkain ng mabigla nalang ako ng may tumigil sa harapan ko at narinig ang pamilyar niyang boses.

"Alphonse?" unti-unti kong binaba ang aking kutsara at tinidor at dahan-dahang tiningnan ito. "Nakakagulat, nandito ka rin pala."

Doon ko tuluyang nakita ang maganda niyang mga mata at ang kapansin-pansin na malaki niyang tiyan. Parang kanina lang nung iniisip ko siya pero heto siya ngayon, sa harapan ko... kinakausap ako.

MIDNIGHT LOVE #3: Midnight SkyWhere stories live. Discover now