CHAPTER 3

9 3 0
                                    

CHAPTER 3

"Hai, kuya!" kumunot ang aking noo ng marinig iyon.

Lumingon ako at hindi na nagulat ng makita siyang patakbong lumapit sa akin. Pinunasan ko ang aking mukha dahil sa pawis. Tumabi siya sa akin ng upo at kinandong ang kaniyang bag.

"Ba't may bitbit kang bag?" tanong ko.

"Magpapalipas din ako ng gabi dito." Malapad siyang ngumiti sa akin.

"Anong sabi ko, hindi ba't hindi pwedeng palagi kang sumasama sa akin, paano nalang kung masamang tao ako?"

"Hindi ka naman masama ah," agap niya.

"Paano nga kung masama ako."

"Edi bawi nexlayp!" humagalpak siya ng tawa.

"Ikaw bata ka, mabuti nalang malalim ang pasensya ko kasi kung hindi, matagal na kitang kinutongan."

"Mabuti nalang pala dalaga na ako, malalim din ang presensya mo at kung maubos man ito'y matanda na ako para ipagtanggol ko ang sarili ko."

Mas lalo lang siyang tumawa na ikinailing ko nalang. Napangiti ako. Agad kong inalis ito ng mapagtanto kung anong nagawa ko. Wtf.

Narinig kong suminghap siya. "Uhy, ngumiti siya."

"I'm not." Agap ko at iniiwas ang paningin sa mata niyang mapanuri.

"Ngumiti ka, nakita ko!" Dinuro niya ako.

Lumapit pa siya sa akin na halos ilang dangkal nalang ang layo namin na ikinagulat ko.

"Lumayo ka nga!" tinapik ko palayo ang kaniyang daliri.

Tumayo ako at hinanda na ang aking baon na pagkain. Wala pa pala akong kain at sigurado kung tapos na kumain ang kasama ko, pero gutom na naman iyon. Nilagay ko ang ramen sa harapan niya, agad namilog ang kaniyang mga mata.

Nilagay ko rin ang akin sa harapan ko bago ako umupo ulit.
Akmang kakain na ako ng pitikin niya ang daliri kong nakahawak sa kutsara. Napatigil ako at masama siyang tiningnan.

"Pray..." bulong niya.

"Pray—" hindi ko na natuloy ang aking sinasabi ng mag-umpisa siya.

"The name of the father, the son, the holy, spirit. Amen.—Lord, Thank you po sa biyayang binigay niyo po sa amin. Nawa'y kami inyong gabayan at mas busugin sa mga biyayang iyong dala. Salamat rin po dahil pinayagan pa rin akong samahan si Alphonse sa gabing ito kahit na napakasungit niya. Lord, maraming maraming salamat."
 

Gustong-gusto ko na siyang tirisin pero hindi ko lang magawa dahil nagdadasal kami. Pagkatapos niyang magdasal ay maginhawa siyang ngumiti at sinabi ang, "Kakain na!"

Parang walang sinabi kani-kanina lang ah.

Nagsimula na kaming kumain. Habang hinihipan niya ang sabaw ay nagpupunas naman siya ng kaniyang pawis. Malamig ang simoy ng hangin pero nakakapawis ang init ng aming kinakain. I looked around, kinuha ko ang aking panyo at binigay sa kaniya.

"Huh,"

"Punasan mo ang pawis mo."

Lumunok ako at pinagpatuloy ang ginagawang pagkain. Minadali ko itong ubosin pagkatapos ay tumayo na. Kinuha ko ang dalawang mineral water at binigay sa kaniya ang isa pagkatapos buksan. Agad naman siyang uminom doon. Ganun din ako.

Ilang saglit pa'y naubos niya na rin ang kaniyang ramen kaya dinagdagan ko na ang kahoy sa apoy. Muli akong umupo doon at nagpainit. Mas lumalalim pa ang gabi't tansya ko'y nasa alas-nuebe na ng gabi. Nasa ilang minuto pa lang naman ang tinagal ko sa pagtitig ng apoy pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang kasama ko.
Andali naman niyang matulog?! Kakatapos lang niya kumain ah!
Gusto ko siyang gisingin pero pinigilan ko nalang. Baka sobra siyang napagod sa trabaho kaya pagod na pagod na siya't nakatulog nalang.

MIDNIGHT LOVE #3: Midnight SkyWhere stories live. Discover now