Sa paglipas ng apat na buwan,
nananatiling tahimik sa loob ng aking silid tulugan.
Hindi masabi ang nararamdaman.
Sapagkat hindi din naman nila maiintindihan.Durog sa nakaraan.
Hindi alam ang sapat na dahilan.
Kung bakit nagawang saktan at iwanan.
Walang sapat na dahilan sa nagawang kasalanan.Hindi lubos maisip na sa iyo mismo ang naging dahilan,
Kung bakit nasaktan muli ng tuluyan.
Sa paglipas ng mga araw at buwan,
Ala-ala mo'y nanatiling naiwan.Hindi alam kung paano at kailan,
Walang magawa kundi tanggapin ang kasalukuyan,
Dinadama ang sakit ng iyong paglisan,
Sana'y hindi mo maranasan,Ngunit sa kabila ng iyong paglisan,
Sa puso'y ikaw lamang ang nilalaman,
Mananatili mula sa malayo habang ika'y pinagmamasdan,
Hihintayin ang paghakbang pabalik sa ating sinimulan.
YOU ARE READING
Unsaid Thoughts
RandomThis story is about sa mga thoughts na hindi nasabi , naparamdam at napakita sa mga tao sa palagid. Piniling mag-isa, manahimik at mananatiling sa walang kibo sa nangyayari sa kanyang paligid. Patuloy na susuporta , magpapakumbaba, at iintindi sa ta...