Muling bumalik sa ating nakagawian,
Saglit na kumalma ang aking nararamdaman,
Nakatulala sa kawalan,
Ala-ala mo sa lugar ay naiwan,Mapait na nakangiti sa kapaligiran,
Haplos ng hangin ay aking nararamdaman,
Kasabay ng pagpikit sa kawalan,
Luha ko'y pumatak na ng tuluyan,Sa nakaraan ay magkasamang pinuntahan,
Sa kasalukuyan ay mag- isang binabalikan,
Isang malalim na paghinga sa kawalan,
Mga haplos mo'y sanay maramdaman,Sa isip ko'y magiging kalakasan,
Pagiwan mo sakin sa kawalan,
Siguro nga'y kasalanan ang kakulangan,
Upang hanapin sa iba ang nais na maramdaman,Masasabing magiging ayos na,
Pero naiisip na dapat ako pa,
Pasensya, limitado lamang ang aking kinaya,
Kunting hintay pa sana, ngunit ika'y bumigay na.
YOU ARE READING
Unsaid Thoughts
RandomThis story is about sa mga thoughts na hindi nasabi , naparamdam at napakita sa mga tao sa palagid. Piniling mag-isa, manahimik at mananatiling sa walang kibo sa nangyayari sa kanyang paligid. Patuloy na susuporta , magpapakumbaba, at iintindi sa ta...