Hilingin ko man, sana nabuo ako sa tamang panahon, sa tamang oras. Hindi yung biglaan ,hindi yung aksidente lamang. Sana pinagplanuhan, sana sa tamang panahon kung saan paninindigan ka sa kahit anong sitwasyon na mahirap. Sana may masasandalan kang taong nais mong sila ang nariyan para sa iyo. Sana maaari mong sabihin ang nais mo , sa mga panahong masama ang loob mo, sa mga panahong pinag hihinaan ka, sa panahong kakailanganin mo ng mag papagaan ng kalooban mo sa lahat ng hamon na nadarating sa iyo. Hindi man naging patas ang mundo , hindi man naging patas ang mga tao , hindi man naging patas ang lahat ng bagay sa paligid mo. Sana maranasan kong maging patas ang lahat sa susunod na habang buhay.
YOU ARE READING
Unsaid Thoughts
RandomThis story is about sa mga thoughts na hindi nasabi , naparamdam at napakita sa mga tao sa palagid. Piniling mag-isa, manahimik at mananatiling sa walang kibo sa nangyayari sa kanyang paligid. Patuloy na susuporta , magpapakumbaba, at iintindi sa ta...